Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ice Seguerra Mommy Caring

Mami Caring naiyak sa music docu ni Ice

HARD TALK
ni Pilar Mateo

DALAWANG babae ang may hawak ng susi sa puso ng mang-aawit na si Ice Seguerra.

Ang kanyang inang si Mommy Caring. Ang kanyang partner sa buhay na si Liza Diño.

Sila ang umangkla sa naging paglalakbay ni Ice sa mundo na patuloy na naghahanap ng kasagutan ang damdamin niyang maski sarili ay hindi mahalukay.

Depresyon. Big word! 

At sa pamamagitan ng kaalaman na niya ngayon sa pagdidirehe, ito ang naging paraan niya para maipaalam sa lahat ang kanyang pinagdaanan. 

Sa pamamagitan ng kanyang Dito Lang na kabilang sa Healthy Pilipinas Short Film Festival, ipinaalam ni Ice ang hirap niyang kalooban na kahit may mga salita na ay ‘di pa rin maibulalas.

Lima pang short films ang ipinalabas mula sa direksiyon nina Carlo Enciso Catu, Keith Barnard Deligero, Julienne Ilagan, Ryanne Murica, Zurich Chan, at Sheron Dayoc

Mabigat ang music documentary ni Ice kaya hindi napigilan ni Mommy Caring ang mapaiyak habang pinanonood ito. Marami pa rin daw pala siyang hindi nalaman sa anak na sa mula’t mula ay nagbigay na ng saya sa bansa mula Aparri hanggang Jolo.

Sa pakikipagtulungan ng Department of Health sa FDCP (Film Development Council of the Philippines), nagpakilala ng sari-saring istorya sa iba’t ibang aspeto ng kalusugan—sa isip, katawan, at relasyon ang mga direktor.

These beautiful films championing the importance of incorporating healthy habits into our lifestyle in partnership with DOH ang mga obrang ipinalalabas sa Gateway Cinema.

Mula sa Pelikulaya hanggang sa CineIskool, at ang paglunsad sa aklat ni Prof. Nick Deocampo tungkol sa Alternative Cinema, kahit kaarawan niya ay nagtatrabaho pa rin si Chair Liza.

Woke up to your warm birthday greetings. Thank you for making this day extra special. It means a lot to receive and read your messages. Nakakahappy at nakakataba ng puso sobra! As an extrovert, it means a lot to be appreciated.

“I will be at Gateway Cinema 1 today to celebrate PRIDE at the movies, and my birthday. Yes, it’s a working birthday but Im spending it doing my favorite things, hanging out with my #teamFDCP and watching films. So please drop by, say hello or catch a film or two! 

“SALAMAT SA LAHAT NG BUMATI AT BUMABATI. 

“Binabasa ko lahat kaya hindi ako makaalis ng bahay. Hahahaha! Yakaaaap! Description: ❤

Ang mensahe ng babaeng nagbibigay liwanag at lakas ng loob kay Ice sa tinatahak nitong buhay kasama siya.

Dalawang babae ang ngayon ay patuloy na yumayakap at umiintindi kay Ice. 

Sana mapanood ng lahat ang short films na ito para lalo pang maintindihan ang hugot ng bawat isa sa buhay.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …