HARD TALK
ni Pilar Mateo
MAGIC? Kahit yata malayo na tayo sa kinagisnang kabataan, gusto pa rin nating makapanood ng mga mahika blanca sa mga bating pinag-aralan din naman ang sining na ito.
Isa sa hinahangaan sa naturang larangan itong si Jeffrey Tam. Isang komedyante rin na napapanood sa TV at pelikula.
Inusisa ko ito dahil gusto ko panoorin ang palabas na 3 In One na kasama niya ang mga komedyante ring sina Donna Cariaga at Alex Calleja. Mapapanood ito sa Biyernes, July 1, 2022 sa Powermac Center Spotlight sa Circuit, Makati.
Paano ba siya naiba sa mga kasamahan niya sa mundo ng mahika?
“Ang kaibahan ko sa lahat ng magician is tingin ko ‘yung dami na ng experience ko. From conventions hanggang magic seminars uma-attend ako. Sa dami na ng nasalihan kong international competition from ASIAN CHAMPIONSHIPS up to the WORLD CHAMPIONSHIP ako ang kauna-unahang Filipino Magician na naka-gold sa international at inirepresent ang bansa sa world championship.”
Sino naman ang tinitingala niya sa sining na ito?
“Idol ko talaga sa lahat walang iba, si DAVID COPPERFIELD. SIya ang unang magician na napanood ko live sa folk arts theater when I was 12 years old after watching sinabi ko sa dad ko gusto ko paglaki ko gusto ko maging ganoon.
“Mas nakaka-entertain ang magic lalo na ‘pag hinaluan mo na ng comedy at ‘yun ang forte ko. Nabibilib ka na at the same time natatawa ka pa kasi may halong comedy lahat ng act ko.
“Siyempre I always pray kay God everytime I have a show or everytime na sumasali ako sa competitions abroad. Basically lahat is tricks lang talaga wala naman kapangyarihan ang mga magician, 100% entertainment lang,” natatawa nitong pakli.
Sige, masilip nga at maaliw sila na makakasama rin ang Mind Reader na si Justin Piñon ganoon din sina Mak Navarez at Israel Buenaobra.
‘Nga pala, this stories, laughter and magic is for adults only, ha!