Saturday , November 23 2024

Saklolo ng NPC, ERC kailangan,
MINDOROBLACKOUT

062722 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

NAGBABALA si House Deputy Minority Leader at Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate na ang nararanasang blackout ng mga residente sa Occidental Mindoro ay maaaring kumalat hanggang Oriental Mindoro kapag hindi agad sumaklolo ang gobyerno.

Nanawagan si Zarate sa National Power Corporation (NPC) at sa Energy Regulatory Commission (ERC) na kumilos agad at bigyan ng fuel subsidy ang isla ng Mindoro.

Nabatid, tatlong power providers ng Oriental Mindoro Electric Cooperative (Ormeco) ang nabigong makakuha ng fuel supply mula sa mga supplier sa loob at labas ng lalawigan kaya’t kinapos ng halos 18 Megawatts (MW)ang power supply at kapag nagpatuloy ito’y hindi lang brownout kundi blackout ang mararanasan sa lalawigan.

“Just a few days ago, three power providers of the Oriental Mindoro Electric Cooperative (Ormeco) failed to secure fuel supply from suppliers inside and outside the province that amounts to a power deficit of at least 18 Megawatts (MW), which means more brownouts are in the offing for the province. If this continues then a blackout is not far off,” ani Zarate.

Ipinaliwanag ni Zarate, ang operasyon ng isang 15 MW power generator ay nangangailangan ng P5 milyon kada araw at kapag walang fuel subsidy mula sa pamahalaan, hindi na kakayanin ng power providers ang halaga ng gastusin at ang fuel suppliers ay hindi naman magbibigay ng fuel na hindi muna sila binabayaran.

“For the sake of the people of the entire island of Mindoro, we are calling on the NPC and the ERC to act now to end as soon as possible the blackout in Occidental Mindoro and to prevent a similar blackout in Oriental Mindoro,” giit ni Zarate.

Tahimik ang Department of Energy sa babala ni Zarate.

Si Energy Secretary Alfonso Cusi ay tubong Naujan, Oriental Mindoro.

About Rose Novenario

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …