NAGSUMITE ng kaniyang mga kredensiyal si Public Attorneys Office (PAO) forensics chief Dr. Erwin Erfe kay incoming President Ferdinand Marcos, Jr., para sa posisyon bilang kalihim ng Department of Health (DOH).
Una rito, tinanggihan ni Dr. Erfe ang alok sa kaniya na pamunuan ang DOH at Philippine Health Insurance Corp., dahil sa talamak na korupsiyon at ang nais niya noon ay ang mapuwesto sa Commission on Human Rights (CHR).
Nabatid, isa sa malapit na kaalyado ni Marcos, Jr., ang nagkumbinsi kay Dr. Erfe na magsumite ng kaniyang curriculum vitae para sa sa posisyon sa DOH.
Hindi nagdalawang isip si Dr. Erfe at agad nagpasa ng kaniyang resume sa BBM headquarters office sa Mandaluyong City.
Si Dr. Erfe ay pinarangalan bilang Most Outstanding Forensics Expert nong 2009, 2012, 2013 at 2019. (ALMAR DANGUILAN)