Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

JC Santos naibalik ang abs dahil sa BeauteHaus

PORMAL na sinasalubong ng BeautéHaus si JC Santos bilang opisyal na brand ambassador nito.

Itinatag ni Rhea Anicoche-Tan noong 2016, ang BeautéHaus ay isang subsidiary ng Beautéderm Group Of Companies at itinuturing itong isang major beauté hub sa Angeles City, Pampanga.

Ipinagmamalaki ng clinic boasts ang isa sa pinakamahuhusay na medical teams sa Northern Luzon na dalubhasa sa larangan ng dermatology at kompleto rin ito sa mga latest top-of-the-line, cutting-edge machines, at equipment sa larangan ng aesthetic medicine.

Sa nakalipas na anim na taon, libo-libo na ang mga pasyenteng nagtitiwala sa BeautéHaus dahil sa mga signature procedure nito gaya ng Beautédrip’s, Snow White Laser, Beauté Rejuve Laser with Beauté Glow Peptide, Ultimate V-Lift, Beauté Hifu, at marami pang mga paboloso at life-altering na mga treatment.

Ngayon, ang center ay ang isa sa pinaka-pinagkakatiwalaan na dermatological clinic ng mga taga-Angeles City gaya na lamang ng mga fashion designer na sina Marlon Tuazon, Frederick Policarpio, at Michelle Viray; ang top OB-GYNE ng Central Luzon na si Dr. Rowena Mangubat; ang creative director na si Lance Tan; ang businesswoman na si Isabel Lim; ang marketing executive at lifestyle journalist na si Joanna Ning Cordero; ang Clark International Airport Corporation Vice President for Operations na si IC Calaguas; ang Executive Assistant IV to the Office of the Mayor of Angeles City na si Reina Manuel; at ang event planner na si Voltaire Zalamea – na lahat ay ambassadors ng Beautéderm Group of Companies na bahagi ang clinic at ang Beautéderm at kasama rin ang celebrity make-up artist na si Mariah Santos at ang internationally acclaimed fashion designer na si Mak Tumang na mga endorser naman ng Beautéderm.

Ipinanganak at lumaki si JC sa Pampanga at nagsimula ang kanyang karera sa teatro bago siya tuluyang sumikat bilang isa sa mga pinaka-nirerespetong character actors ng industriya. Ilan sa kanyang mga notable performances ay napanood sa mga top-rating na serye ng ABS-CBN gaya ng Till I Met YouIkaw Lang Ang Iibiginat FPJ’s Ang Probinsyano. Mayroon din siyang feature appearances sa mga critically-acclaimed films gaya ng 100 Tula Para Kay StellaThe Day After Valentinesat Miracle In Cell No. 7.

Nagsimula si JC sumailalim sa ilang procedures sa BeautéHaus matapos ipanganak ang kanyang baby girl. Ang main concern ni JC ay maalis ang kanyang “dad bod” kaya naman sumailalim siya sa Lipodissolve at M-Shape – na non-invasive body sculpting at slimming treatments. Sumailalim din si JC sa Beautétox para sa kanyang wrinkles at sa Exilift na tinatanggal ang dark circles, puffiness, at wrinkles sa kanyang mga mata.

“Kahit kaming mga lalaki ay dapat umeffort para maging maayos ang aming itsura,” ani JC. “Bilang isang actor, it is my responsibility to take care of myself especially now that I am also busy taking care of my little girl. I work long hours and the stress of the job is taking a toll on my appearance. Maligaya at grateful po ako dahil swak na swak ang treatments ko sa BeautéHaus sa aking workouts at healthy diet.”

Si Rhea naman ay maligayang-maligaya rin ngayong bahagi na si JC ng Beautéderm Group Of Companies bilang brand ambassador ng BeautéHaus. “BeautéHaus started as a side hobby of mine. I initially bought all the machines for my personal use until I decided to open the clinic. I didn’t realize how successful the clinic is until several years ago. Excited ngayong kasama na naming si JC lalo na at ngayong naghahanda kami sa paglipat ng clinic sa isang mas malaking espasyo sa Beautéderm Corporate Center kung saan magiging bahagi ito ng lifestyle hub na ilulunsad namin ngayong taon na ito.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …