HARD TALK
ni Pilar Mateo
NASAKSIHAN nga namin sa special screening ang Vivamax’ Virgin Forest ni Direk Brillante Mendoza.
Oo at muli na namang nakitaan ng kanyang kahubdan ang protege ni Direk na si Vince Rillon. Masasabing level up na naman si Vince sa karakter niya bilang Roger sa pelikulang magsisimula nang mag-stream worldwide ngayong June 24, 2022.
Dahil de-kalibre ang kaeksena ni Vince, sa katauhan ni Sid Lucero, na gumaganap na isang photojpurnalist, maraming beses siyang ginulat nito, hindi lang sa husay ng delivery sa kanyang karakter, kundi sa madaling pagsalang ni Sid na walang saplot. At walang plaster sa maseselang eksena.
“Siya na po ang peg ko pagdating sa ganoong eksena. Walang takot talaga. But at the same time, protektado ang mga kaeksena lalo at mga babae ito. Goal ko naman talaga eh, mas gumaling nang gumaling sa trabaho ko.”
Unti-unti na rin siyang nasasanay kapag napapansin na siya ng mga tao sa kanyang paglabas-labas.
“Madalas po, ‘yung mga pelikula ko ang binabanggit nila. Lalo na ‘yung Sisid. Hanggang sa simbahan po. Sa SM Megamall. Masaya po siyempre.”
Nang matanong ang cast sa paniniwala nila sa virginity, na gusto sanang ikasa sa titulo ng pelikula, isa sa nahirapang magbigay ng sagot si Vince.
Para naman kasing matandang sinauna ang binata at konserbatibo pa rin sa ilang mga bagay.
Pero may ikinagulat kami sa isang paniniwala niya. Natawa kami na ‘di namin maintindihan.
Buong paniniwala pala niya wala nang nabubuhay na virgin sa panahong ito.
Haha! React lahat! Kulang na lang mag-name drop ng mga kilala namin.
Nauwi na sa usapan for my virgin eara ang wet dreams, sariling sikap at kung ano-ano pa.
But definitely, sinabi ko kay Vince na hindi ko ikaka-proud na at 26 eh, matawag pa at paniwalain ko ang mga tao na virgin pa ako!
Nabago kaya namin ang paniwala ng aktor? Na may mga birhen pa sa panahong ito? Choice man o sadyang napag-iwanan at taksilan ng panahon eh, isang katotohanan.
Basta ang Virgin Forest, gaya ng sabi ni Direk eh, walang pretensyon o anumang kaipokritahan. Na hindi remake ng dalawang naunang version. Na sa proyekto ni Peque Gallaga ay production and designer siya.
Iniayon na ang istorya sa kasalukuyang panahon. Ng mga kaganapang naghahanap pa rin ng pansin at mga kasagutan.