Friday , November 15 2024
Gun Fire

Dalaga binoga ng may-ari ng punerarya

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 34-anyos dalaga matapos barilin ng isang negosyanteng may-ari ng punerarya sa loob ng kanyang bahay sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Kasalukuyang inoobserbahan sa Manila Central University (MCU) hospital ang biktimang kinilalang  si Maria Angela Prado, residente sa Kalayaan St., First Rainbow, Makati City, sanhi ng tama ng bala sa dibdib.

Nakapiit at nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek na kinilalang si Vonrich Vina, 45 anyos, negosyante, may-ari ng Rose Wood Funeral, at residente sa Naval St., Brgy. Flores, Malabon City.

               Batay sa pinagsamang ulat nina P/SSgt. Ernie Baroy at Mardelio Osting kay Malabon City police chief Col. Albert Barot, dakong 4:00 am nang maganap ang insidente sa bahay ng suspek sa nasabing barangay.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, armado ng handgun ang suspek at sa hindi malamang dahilan ay binaril nito ang biktima na tinamaan sa dibdib.

Matapos ang insidente, isinugod ng suspek na si Vina ang biktima sa nasabing pagamutan habang inaresto siya ng nagrespondeng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 7 sa pangunguna ni P/Lt. Joel Dalawangbayan.

Nakuha ng mga imbestigador sa crime scene ang isang basyo ng bala, isang cal. 9mm pistol Glock, may isang magazine at kargado ng apat na bala.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo ng suspek sa pagbaril sa biktima. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …