Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
lotlot de leon nora aunor

Sa mga Maritess na naghahanap 
LOTLOT DINAMAYAN SI NORA SA OSPITAL

HARD TALK
ni Pilar Mateo

HANGGANG ngayon ba?

Ang dami pang nag-bash sa conferred ng National Artist na si Superstar Nora Aunor nang hindi ito personal na nakadalo sa Malacañang para tanggapin ang kanyang parangal.

Ang mga anak na sina Matet, Ian, Kenneth, at Kiko ang nakadaupang-palad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing mahalagang okasyon.

Siyempre, may isa pang hinanap sa mga anak ni Ate Guy. Ang panganay na si Lotlot.

Ang mga Marites, nag-one plus one na naman at my dagdag pa.

Ang hindi nila alam, si Lotlot de Leon eh, nasa tabi ng kanyang dakilang ina sa ospital kung saan ito namalagi dahil sa nahirapan sa kanyang paghinga.

Si Lotlot ang agad na dumalo sa ina sa nasabing pangyayari. At sa kusa nitong pagdalo sa pangangailangan ng ina, ang mga kapatid niya ang kinailangang tumanggap sa parangal.

Ayaw na magdetalye ni Lotlot o sinuman sa kanyang mga kapatid sa naganap na pagbabati nila ng kanyang ina.

Ang mahalaga, matapos ang okasyon sa Palasyo, dumiretso ang magkakapatid sa ospital para magsama-sama at magdiwang. At hindi naman nagtagal sa ospital si Ate Guy at nakalabas na rin naman ito.

Isang parangal pa ang maghihintay sa pagdalo nito sa June 29, 2022.

At dasal ng lahat ay maging mabuti na ang kalagayan nito sa nasabing araw.

All is well in the family. Ang hiling na lang ay ang bumuti na nang tuluyan ang kalagayan ng kanilang ina.

Hindi naman kaila na ang problema ni Ate Guy ay may kinalaman sa kanyang paghinga, sanhi ng asthma at dati naman ay sa kanyang tuhod. Pero agad namang naa-address ang nasabing mga bagay na nakapagpapa-stress din sa kanya.

Ibayong pahinga. At siguro, ito na ang panahon na enjoy-in nila ng magkakasama ng kanyang mga anak at apo ang pagkakataon. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …