Monday , December 23 2024
Vilma Santos

Ate Vi G na G na sa pagdidirehe at pagpo-prodyus

HATAWAN
ni Ed de Leon

MULING nakatagpo ng pagkakataon sina Ate Vi (Vilma Santos) at ngayon ay Congressman Ralph Recto na makapagbakasyon bago sila muling sumabak sa kani-kanilang trabaho.

Nasabi nga ni Congressman na haharapin niyang una ang mga hindi natapos na proyekto pa ni Ate Vi, kasi handa na lahat ang groundwork para roon, habang inihahanda naman niya ang mga proyektong kailangan niyang simulan. Aminado siyang marami pang kailangang gawin sa Lipa.

Sa parte naman ni Ate Vi, parang paglabas iyon mula sa mahigit na dalawang taong isolation. Hindi nga siya naglalabas noong panahon ng Covid, at ngayon gusto nga muna niya na makabakasyon bago naman sumabak sa panibagong trabaho bilang isang aktres. May sinasabi si Ate Vi na may napili na siya sa mga proyektong iniharap sa kanya.

Pero mukhang nag-iisip siya ng isa pang project na mas magiging malaki ang kanyang magiging participation bukod sa pagiging aktres.

Ang talaga namang target ko hindi lang magtrabaho sa showbusiness. Ang iniisip ko matulungan din ang mga kasama nating magkaroon ng trabaho. Talagang safe, wala akong iintindihin kung

magiging artista na lang ako, ang problema naman kasi nasa producers eh. Pero iyon ang natatandaan kong sinasabi ni Atty. Laxa noon sa akin, kung gusto mong tumulong mag-produce ka.

Para sa kanila noon, malaking advantage kung sinamantala na lang niya ang kasikatan ng kapatid niyang si Tony Ferrer. Pero gusto niyang makatulong eh, kaya nag-produce siya ng iba pang mga pelikula. Hindi ko naman magagawa iyon agad-agad, baka maulit na naman ang nangyari noong araw na mismanaged ang production company na itinayo ko. Nakikipag-usap ako ngayon sa mga production people na makatutulong ko. Kasi hindi ba sinabi ko naman noon pa na kasama iyan sa mga plano ko, ang makapag-direhe at makapag-produce ulit ng pelikula,” sabi ni Ate Vi.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …