Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joel Lamangan Ate Gay

Ate Gay ipinahanap, personal choice ni Direk Joel sa isang role

HARD TALK
ni Pilar Mateo

ABOT-LANGIT siyempre ang pagpapasalamat ng komedyanteng si Ate Gay sa sunod-sunod na pagdating ng mga biyaya sa kanyang buhay.

Sa kabila ng makailang beses na pagkalugmok sa buhay, patuloy na bumabangon at hindi ito bumibitaw sa kanyang laban.

Pagdating sa sing-along o comedy bar scene, namamayagpag pa rin si Ate Gay. Kaya naman kaliwa’t kanan pa rin ang dating ng nga imbitasyon sa kanya para mag-perform sa iba’t ibang panig ng bansa.

Nakasama ko sa Laguna, sa Liwanag Bar and Grill si Ate Gay with Dax Martin and EJ Salamante. Punumpuno ang venue na ang nag-anyaya ay si Dante Salamat na mas kilala bilang si Cool Boss.

Pero bago sumabak sa performance nila sa nasabing bar ng gabing ‘yun si Ate Gay, hindi ito mapakali.

Bakit? 

Kagagaling lang niya sa story conference ng Peyri Teyl para sa AQ Prime na si Joel Lamangan ang direktor.

Nahilo at nabahala ito nang may mag-send sa kanya ng skeds ng magiging shoots niya for the said film. Eh, masasagasaan ang mga nasagutan na niyang bookings sa ilang lalawigan.

Kaya, habang hinihintay ang service van pa-Laguna roon sa Music Box, hindi tumitigil ito sa pagtawag sa tao ng AQ Prime dahil nagbigay na siya ng kanyang sked at alam niya na walang masasagasaan sa sinabi niyang skeds.

Dahil ayaw niya mawala ang proyekto at gustong-gusto niya ang papel na gagampanan bilang isang mabait na diwata, nagpa-rebook ng mas maagang flight niya si Ate Gay sa isang raket niya para umabot siya sa gaganaping shoot in July.

Ang mga angel ni Ate Gay ang tuwang-tuwa. Dahil nakita nila kung gaano ka-gusto ni direk Joel na huwag mawala sa proyekto si Ate Gay.

Say naman ng Diwata, este komedyana, “Siyempre, alam naman natin ang working attitude ni Direk. Ayaw ng nale-late. At gusto ready ka na pagdating sa set. Kaya pinapakaba naman ako nitong sinabihan ko na ng mga sked ko, magugulo pa ‘ata. Ayaw kong mawala ang project. Eh, hindi rin naman pwede mawala ang mga raket at na-set na ‘yun!”

Nakatutuwa ang kuwento sa pagsasabi ni direk Joel na umano wala na siyang maisip na makagaganap sa papel na gagawin ni Ate Gay.

Eh, isa nga ako sa natanungan ng number ni Ate Gay dahil ipinahanap siya talaga ni Direk Joel sa staff ng AQ Prime!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …