Sunday , December 22 2024
Ryza Cenon Rooftop

Ryza Cenon, itituturing na isang ultimate barkada horror movie ang Rooftop

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

“ITONG horror movie na Rooftop, parang isang ultimate barkada horror movie, ganoon siyang klaseng horror film,” ito ang ipinahayag ni Ryza Cenon.

Si Ryza ang isa sa bida sa naturang pelikula na palabas na ngayon sa Vivamax. Mula sa Viva Films at directed by Yam Laranas, tampok din dito sina Marco Gumabao, Rhen Escaño, Marco Gallo, Ella Cruz, Andrew muhlach, at Epy Quizon.

Nabanggit din ni Ryza na masaya siyang makatrabaho ang casts ng Rooftop.

Aniya, “Sobrang natutuwa ako na sila ‘yung mga nakatrabaho ko, kasi talagang swak na swak ‘yung mga characters nila roon sa personality nila… hindi nga lang ako masyadon nakikipag-bond sa kanila, dahil mahirap ‘yung character ko.

“First time ko kasi na ako ‘yung natatakot, kasi ‘yung last na ginawa ko, ako ‘yung nananakot – doon sa Manananggal (Ang Manananggal sa Unit 23B). So, bilang ako ang pinaka-leader ng group, kailangan mas mag-focus ako para mai-deliver namin nang tama ‘yung story.”

Kumusta iyong experience na gumawa ng horror film, mas madali ba o mas mahirap gawin?

Esplika ni Ryza, “Iyon ‘yung pinakamahirap, na i-convince mo ‘yung mga tao na natatakot sila or nararamdaman nila na nararamdaman mo ‘yung takot. Na i-convince sila na natatakot din sila, na nakare-relate sila…

“Ang pinakamahirap talaga ay ‘yung comedy and horror. Kasi, kailangan mo talagang i-convince ‘yung viewers mo kung ano ‘yung gusto mong ipakita. Like, kailangan nilang matawa sa ginagawa mo or kailangan nilang matakot sa nakikita sa iyo or ginagawa mong acting.

“So, kapag naramdaman nila iyon, ibig sabihin ay good job ka, kasi ay na-apply mo siya,” lahad ng aktres.

Normal na maging pasaway at mag-break ng rules kapag kasama ang barkada. Sabi nga nila YOLO: You Only Live Once. Pero minsan, kapag nasobrahan, ang barkada rin ang magpapahamak sa ‘yo dahil sa mga mali at makasariling desisyon. Abangan kung paanong ang isang prank ay magdadala sa kanila sa panganib at bangungot na babago sa mga buhay nila.

ROOFTOP, ang pinakabagong horror-thriller, na unang ipinalabas sa Asian Horror Festival ng SM Cinema.

Habang naka-summer break, magse-set-up ng secret party sa rooftop ng kanilang campus ang barkada nina Ellie (Ryza), Lance (Marco), Wave (Ella), Martin (Marco), Jessica (Rhen), at Chris (Andrew).

Iimbitahin din nila rito si Paul (Epy), kapwa estudyante pero outsider sa kanilang grupo at part-time janitor sa school. Dahil walang mapagdiskitahan, naisip ng grupo na i-prank si Paul, na pagmumulan pala ng isang aksidente. Matutulak nila si Paul mula sa rooftop at mamamatay ito.

Imbes umamin at managot sa nangyari, tatakasan ng magkakaibigan ang trahedya at pagtatakpan ang isa’t isa. Mangangako rin silang walang sinuman ang dapat makaalam sa nangyari sa rooftop. Pero magiging mapaglaro ang pagkakataon dahil gagambalain at guguluhin sila ng kaluluwa ni Paul at pagbabayarin sa mga naging kasalanan.

Maitama pa kaya nila ang pagkakamali? Or is it too late?

Isang nakakikilabot na experience ang naghihintay sa buong barkada, imbitado kayong lahat na magpunta sa ROOFTOP, streaming exclusively sa Vivamax.

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …