Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Posas Handcuff

Sa Pampanga,
KAWATAN NG MOTOR TIKLO SA BATO

Nadakip ng mga awtoridad ang isang pinaniniwalaang talamak na ‘ ‘motornapper’ matapos mang-agaw ng motorsiklo at mahulihan ng hinihinalang shabu sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga nitong Miyerkoles ng umaga, 15 Hunyo.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng Mabalacat CPS kay P/Col. Alvin Ruby Consolacion, acting provincial director ng Pampanga PPO, nagkasa ng follow up operation ang mga tauhan ng Mabalacat CPS  sa Ubas St., Dau Homesite, sa nabanggit na lungsod kaugnay sa insidente ng pagnanakaw ng motorsiklo sa Brgy. Lakandula.

Itinuro ng testigo sa mga operatiba ang suspek na kinilalang si Kevin Tuahan, 27 anyos, residente ng Brgy. San Joaquin, sa lungsod, habang nakatakas ang kaniyang kasawat na kinilalang si Leslee Tuahan.

Nakuha mula sa pag-iingat ng suspek ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu; apat na pakete ng tuyong dahon ng hinihinalang marijuana; at isang Yamaha MIO Sporty na kulay lila na may plakang CD35236 na pinaniniwalaang ninakaw din niya.

Kasalukuyang nasa kustodiya si Tuahan ng Mabalacat CPS habang inihahanda ang pagsasampa laban sa kanya ng kasong paglabag sa RA 10883 (New Motornapping Law) at Section 11, Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa korte. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …