HATAWAN
ni Ed de Leon
BUKOD sa pag-amin ni Raymond Gutierrez sa kanyang social media account na may boyfriend nga siya sa Los Angeles, kaya naglalagi siya roon, bukod sa maraming projects na ginagawa niya rin, may ibinigay pa pala siyang interview kay Jessica Soho at kay Will Dasovich, na inamin niya ang lahat at inilabas niya ang detalye ng kanyang pagiging gay.
Inamin niya ang hirap noong panahong bago siya mag-come out. Iniisip kasi niya ang image ng kanilang pamilya, at ang image lalo na ng kanyang kakambal na si Richard. Pero nang umamin naman siya, natanggap iyon ng mga tao, kasi si Raymond iyong lovable ang dating, hindi antipatiko. Ang dami riyan, lalo na iyong mga nagladlad lately na antipatika pa ang dating sa publiko, kaya ang pag-come out nila pinag-usapang parang isang malaking tsismis.
Kung hindi lang antipatiko ang mga iyan. Ok lang sana eh, pero kanino pa ba sila magmamana?