Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angelica Cervantes Quinn Carrillo Albie Casiño Joel Lamangan Vance Larena 2

Quinn Carrillo, challenging ang role sa Biyak

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SUNOD-SUNOD ang mga project ngayon ni Quinn Carrillo, hindi lang bilang aktres, kundi maging as a writer. 

Isa sa kaabang-abang dito ang pelikulang Biyak na tinatampukan nila ni Angelica Cervantes. Kasama rin dito sina Albie Casino at Vance Larenas. Mula sa pamamahala ni Direk Joel Lamangan, mapapanood na ito sa Vivamax sa July 1.

Inusisa namin ang talented na dalaga kung ano ang papel niya sa Biyak?

Tugon ni Quinn, “I played the character of Samantha, yung character ko rito is police asset siya. So medyo may pagka-astig siya na although laki siya sa hirap, talagang very-very maporma siya, basta maangas siya.

“So kakaiba siya sa lahat ng nagawa kong character, makikita naman na even yung hair style ko rito. Kaya sobrang thankful ako kay Direk na talagang inayos namin yung buong character. At sobrang playful and fun niya noong sino-shoot namin siya. I mean para sa akin, ang fun gawin ng character pero at the same time, very-very challenging.”

Si Albie ang partner niya sa Biyak, ano ang masasabi niya sa aktor?


Wika  ng versatile na aktres, “Okay naman po siyang ka-partner. Maayos po talaga siya ka-work. Professional at maalaga naman as partner si Albie.”

Si Violet (Angelica) at Samantha (Quinn) ay magkapatid na nabuhay sa magkaibang mundo matapos ipaampon si Violet ng kanilang ina, bata pa lamang siya. Kahit napunta sa mayamang pamilya at nagkaroon ng marangyang buhay, hindi ito naging sapat kay Violet dahil kapalit naman nito ang walang tigil na pang-aabuso at sexual harassment ng kanyang adoptive father.

Para matakasan ang ganitong buhay, hahanapin ni Violet ang tunay niyang pamilya sa tulong ng boyfriend na si William (Vance). Dadalhin siya ng kanilang paghahanap sa tunay niyang ina at makikilala rin ang kapatid na si Samantha, na tumutulong sa mga pulis na katulad ni Erwin (Albie) para magresolba ng mga drug-related cases. Lumaki man na may magkaibang pamumuhay, mahahanap ng magkapatid ang ‘di kanais-nais nilang pagkakapareha, dahil ang mga mundong ginagalawan nila ay parehong puno ng anomalya, droga, at pananamantala.

Ngayong nakahanap sila ng kakampi sa isa’t isa at kasama na ang mga tao at pamilyang totoong nagmamahal sa kanila, makabawi na kaya sila sa lahat ng sakit at hirap na pinagdaanan?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …