PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga
HINDI nagustuhan ni Ogie Alcasid ang kumakalat na tsismis sa social media na nagkakaproblema umano sila ng kanyang misis na si Regine Velasquez sa kanilang pagsasama.
Kaya naman sa pamamagitan ng pag-tweet sa Twitter ay pinabulaanan ni Ogie ang tsismis na ito at sinabing mahal na mahal nila ni Regine ang isa’t isa.
Ayon sa tweet ni Ogie, “I have read some tweets about my wife and I having marital problems. For the record, wifey and I are so much in love and there has not been a day where that love has for each has ever diminished.”
Si Ogie na rin ang nakapansin na may mali sa kanyang tweet kaya sinundan niya ito ng isa pang tweet, “I meant were that love for each other has diminished. Arrgh i have to practice proofreading hehe… sorry po…
“Guys, i wish you would really experience great love. It truly is a blessing.”
Si Regine naman ay nagpo-post pa rin naman ng sweet photos nila together ni Ogie.
Maydiriwang sina Ogie at Regine ng kanilang 12th wedding anniversary sa Disyembre. Ang anak nilang si Nateay 10 years old na.