Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dene Gomez Kathniel

Actor-singer Dene Gomez humanga sa kabaitan ng KathNiel

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

PUNO ng papuri at paghanga ang actor-singer at ARTalent Management artist na si Dene Gomez kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na nakatrabaho niya sa Kapamilya teleseryeng 2 Good 2 Be True.

For KathNiel, always separate ‘yung encouter ko with them, bilang magkaibang neighborhood ang ginagalawan nila sa ‘2 Good 2 Be True.’ But surprisingly, both of them have the same aura of warmth towards me, considering na hindi naman ako main cast. I was a bit player in their show, portraying 3 different characters, meaning ‘di nila ako nakakasama palagi, about 5 sequences lang in total, pero they still made the effort to get to know me and made me comfortable on set,” kuwento sa amin ni Dene nang maka-chat namin siya sa Messenger.

Bukod kina Kathryn at Daniel, nakatrabaho na rin ni Dene sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa Kapamilya teleseryeng Love In 40 Days. Hindi man marami ang naging offcam encounters niya sa LoiNie ay pinuri pa rin niya ang dalawa.

Loisa is super cool, nakiki-jam sa amin sa mga song rehearsal (may mga song numbers kasi ‘yung show), kahit na ‘di siya kasali sa kakanta. Tapos sa sequence niya na drama, ang bilis niya umiyak.

“Si Ronnie naman very focused sa work niya, and very patient sa mga complex instruction ng director.”

Samantala, thankful si Dene sa kanyang manager na si Doc Arthur Cruzada dahil mayroon na siyang matatawag na tahanan at pamilya matapos niyang pumirma ng kontrata sa ARTalent Management kasama ang co-artists niyang sina Yohan Castro, Nic Galano, at 3nity Band.

Gusto nang mag-focus ni Dene sa pag-arte at pagkanta matapos niyang maging atleta na nirepresenta ang Pilipinas sa iba’t ibang international sports competitions sa larangan ng dragon boat at rowing.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …