Friday , November 15 2024
shabu drug arrest

2 biyahero ng ‘bato’ kinalawit sa Bulacan

Arestado ang dalawang hinihinalang mga drug peddlers na nagtangkang magbiyahe ng ilegal na droga sa Bulacan sa ikinasang anti-illegal operations ng pulisya sa lalawigan nitong Martes, 14 Hunyo, sa lungsod ng Malolos.

Batay sa ulat ni P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang mga suspek na sina Gerard Pascual, 39 anyos, pedicab driver, residente ng Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City; at Judjane Solivio, 41 anyos, taxi driver, residente ng Western Bicutan, Taguig na nadakip ng  mga Intel operatives ng Bulacan PDEU, PIU-Bulacan PPO at Malolos CPS sa ikinasang buybust operation sa Brgy. Mojon, sa nabanggit na lungsod.

Nakumpiska mula sa dalawang suspek ang limang selyadong pakete ng plastic na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na 50 gramo at nagkakahalaga ng P340,000; at dalawang  P500 na ginamit bilang marked money.

Napag-alamang matagal nang tinutugaygayan ang mga awtoridad ang mga kilos ng dalawa dahil mula Metro Manila ay pabalik-balik sila sa Bulacan para magbagsak ng shabu sa mga kliyente nilang drug users.

Kasalukuyan nang detinido ang mg akusado at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Section 5, 11, at 26 ng RA 9165 o Comprehensive Drugs Act of 2002 nakatakdang isasampa sa korte. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …