Monday , December 23 2024
sugar plantation tubo

Sa inarestong 100 indibiduwal sa Tarlac
5 DAYUHANG RESEARCHERS INIIMBESTIGAHAN

SUMASAILALIM ngayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad ang limang dayuhan matapos madakip kasama ang ilang indibiduwal sa bayan ng Concepcion, lalawigan ng Tarlac noong 9 Hunyo.

Ayon kay PRO3 PNP Regional Director P/BGen. Matthew Baccay, kinilala ang mga dayuhang sina Krystiana Swain, Emily Butler, Nishant Carr, at Keidan Oguri, pawang American nationals; at  Christopher Silva San Martin, Chilean national.

Kasama sila sa 100 katao na inaresto sa Brgy. Tinang, sa nabanggit na bayan noong 9 Hunyo ngunit pinalaya matapos sabihin sa mga awtoridad na sila ay mga researchers at walang kinalaman sa insidenteng naganap sa naturang barangay kung saan winasak ang isang sugar plantation.

Mahigpit na nakikipag-ugnayan ngayon ang mga awtoridad sa Bureau of Immigration (BI) kaugnay sa pagkakakilanlan ng mga dayuhan at kanilang posibleng deportasyon.

Dagdag ni Baccay, hindi nila inaalis ang posibilidad na ang mga dayuhang ito ay mga miyembro o supporters ng mga inaresto kahit na pinagdidiinan nilang sila ay researchers dahil nasa lugar sila nang maganap ang insidente. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …