Friday , November 15 2024
FDCP PeliKULAYa LGBTQ

FDCP Chair Liza, pinangunahan ang PeliKULAYa: International LGBTQIA+ Film Festival

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG Film Development Council of the Philippines (FDCP) ay ipinagdiriwang ang Pride Month ngayong June sa pamamagitan ng pagdaraos ng PeliKULAYa: International LGBTQIA+ Film Festival mula June 10 to 26. Pantay-Pantay, Iba’t Ibang Kulay” ang tema nito, at naka-line up dito ang limampung (50) pelikula, Pinoy at banyaga.

Ang filmfest ay co-presented ng British Council, Embassy of Sweden, Embassy of Denmark, Embassy of Chile, Embassy of Spain, Embassy of Canada, Korean Cultural Center, US Embassy, Mexican Embassy, at Instituto Cervantes.

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-20 taong anibersaryo ng FDCP, nakipagdiwang din sa Amrak Comedy Bar ang mga kinatawan ng partner embassies na makikibahagi sa nasabing festival. Layunin ng festival na bigyan ang representasyon ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community sa pamamagitan ng pagdaraos ng film screenings, film talks at iba pang special events.

“This year, as we continue to fight for the freedom and rights of the LGBTQIA+ community, we also celebrate the achievements and support the causes of the members of the community this June. We, at the FDCP, are offering an eventful month through PeliKULAYa with a month-long lineup of film screenings and events to celebrate this significant month. Happy Pride Month from Team FDCP,” wika ni FDCP Chairperson and CEO Liza Diño. 

Ang ilan sa aabangan dito-sa short film competition: Mga Kuan ni Jermaine Turbo, Cut/Off nina Von Victor Viernes at Sean Russel Romero, As if Nothing Happened ni JT Trinidad, Kubli ni Jam Navalta, This is Not a Coming Out Story ni Mark Felix Ebreo, We Were Never Really Strangers ni Patrick Pangan, Second Gear ni Christian Angelo Cruz, Kung Sa Diin Ang Suba Tarabuanni Seth Andrew Blanca, Baklaak ni Gabb Gantala at Nang Maglublob Ako sa Isang Mangkok ng Liwanag ni Kukay Zinampan.

About Nonie Nicasio

Check Also

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …