Saturday , November 16 2024

COVID sa MM tumaas nang bahagya, gera vs virus dapat panatilihin

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

HINDI pa naman nakaaalarma ang sinasabing kaunting pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, pero nararapat sigurong lahat ay maging vigilante o mapagbantay na ulit. Huwag nang hintayin pang ang kaunting bilang ay biglang lumobo dahil sa pagbabalewala sa maliit na bilang.

Ang nararapat nga rito mga kabayan, kaunti man ang pagtaas ay dapat ituring na seryoso. Saan ba nanggagaling ang malaking bilang, hindi ba sa kaunti lalo na kapag ito ay pinabayaan o iniismol lang.

Kung susuriin, bakit nga ba may kaunting pagtaas sa kaso ng COVID? Sinasabi ay dahil marami pa raw kasi ang hindi nagpapabakuna. Iyon lang ba ang dahilan? Hindi ba dahil sa katigasan ng ulo ng nakararami. Kapansin–pansin kasi, simula noong Marso ay naging maluwag na ang lahat.

               Oo nga’t lumuwag na dahil bumaba ang kaso pero, ang nangyari ay masyadong niluwagan ng mamamayan ang kanilang sarili lalo ang pagturing sa nakamamatay na virus. Marami ang hindi sumusunod sa ipinaiiral na health protocols laban sa COVID-19.

Nawala ang social distancing, marami ang hindi nagsusuot ng face mask na nagiging dahilan na ngayon ng kaunting pagtaas ng kaso. Bukod dito, lumalabas na rin kasi na naging maluwag na ang pamahalaan. Kinalimutan na ang binuong ordinansa laban sa mga hindi nagsusuot ng face mask. Wala na nang nanghuhuli o pinagsasabihan sa lasangan ang mga hindi nagsusuot ng face mask.

Ngayon, ano pa ba ang hinihintay natin para maging estrikto muli ang paglaban sa COVID? Ang pagtaas ng kaso, ang pagtaas ng alert level bago sumunod ulit sa health protocols? Huwag naman sana, at sa halip ay kumilos na tayo — ibalik ang dating pagturing laban sa COVID. 

Oo nga’t nandiyan naman ang bakuna pero, hindi naman lingid sa kaalaman natin na halos araw-araw ay may panibagong variant na lumalabas o ang ibig sabihin nandiyan pa rin si COVID.

Kaya, huwag na natin hintayin pang lumobo ang kaso, ngayon pa lang ay kumilos na tayo dahil nagsisimula na uli ang paglobo ng virus.

*****

Muli na namang pinatunayan ng Quezon City Police District (QCPD) na ang batas ay walang kinikilingan at sa halip ito ay ipinatutupad para sa lahat — mahirap man o mayaman, maimpluwensiya man o ordinaryong mamamayan.

Hindi lang batas ang ipinaiiral nang pantay ng QCPD kung hindi, pinatunayan din ng pulisya na kahit pa maituturing na isa sa  lider sa lokal na pamahalaan o minsa’y katuwang nila sa pagpapairal ng batas ay kanilang aarestohin kapag lumabag sa batas.

Isa ngang patunay rito, ‘ika nilang “no one is above the law” ay ang pagdakip ng mga operatiba ng QCPD sa isang ginang na barangay kagawad ng lungsod. Dinampot ang kagawad sa bisa ng warrant of arrest.

May warrant of arrest kaya, ang ibig sabihin ay may kinanahaharap siyang kaso. Siyempre naman, alangan naman damputin iyan nang ganoon na lang. Mahirap na baka balikan pa ang mga pulis.

Inaresto nitong Biyernes, 10 Hunyo 2022, si Barangay Kagawad Glady Tan Perez dahil sa kasong falsification of public documents at perjury. Sa ulat, maging ang mister pala ni Kagawad ay dinakip na si Henry Antenor Perz na isang IT Specialist.

Sa report ni P/Maj. Rene Balmaceda, Assistant Chief ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), ang mag-asawang Perez ay inaresto dakong 1:30 pm nitong nakaraang Biyernes sa kanilang tahanan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Peter Filip Sia Abelita, ng Branch 132 ng Quezon City Metropolitan Trial Court (MTC) sa kasong falsification of public document at perjury.

Bagamat, hindi pa naman mananatili sa kulungan ang mag-asawa at sa halip maaari naman silang palayain kapag sila ay nakapaglagak na ng piyansa na tig-P36,000 at P18,000.

Ano pa man, muling pinatunayan ng QCPD na ang pag-implementa ng batas ay walang pinipili. 

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …