Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gari Escobar Nora Aunor

Gari Escobar, super-happy sa pagiging National Artist ni Nora Aunor        

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

UMAAPAW sa galak ang singer/composer at certified Noranian na si Gari Escobar nang finally ay naideklarang National Artist si Ms. Nora Aunor.

Ayon kay Gari, “Ang saya-saya ko kasi National Artist na si Ate Guy. Ang wish ko lang ngayon ay sana healthy siya lagi para matagal pa niyang ma-enjoy ang fruits ng mga pinaghirapan niya at mga blessings sa kanya ng Diyos. Tulad ng malawak niyang farm at ang prestige ng pagiging isang National Artist.

“Siya ang isa sa inspirasyon ko kaya masipag ako at ang saya-saya ko kapag nakakatanggap ako ng award. Kasi growing up, na-witness ko yung mga laban niya sa iba’t ibang awards night at lumulundag pa kami ‘pag nananalo siya. Para kaming nanonood ng basketball, hahaha!”

Dagdag pa niya, “Naalala ko noong ini-launch ang album ko sa Korean Restaurant sa QC, tinanong ako ng mga Noranian writers kung sa tingin ko raw ba, sa panahon ni President Duterte ay maia-award na kay ate Guy ang National Artist award, ang sagot ko ay, ‘Opo, dahil naniniwala ako na walang bias ang pangulo kay ate Guy, he will base his judgements on her achievements and contributions to the Filipino motion arts and culture’. Kaya sobrang happy po talaga ako.”

Aminado rin si Gari na nainip siya sa paghihintay sa National Arist award sa kanyang mahal na idolo.

Aniya, “Sobra po, tuwing may bagong administration ay umaasa ako. Kasama pa ako sa nag-rally noon sa CCP noong dinecline ni Pinoy ang karapat-dapat na pagkilala kay Ate Guy.”

Nabanggit pa ni Gari ang most favorite Nora Aunor movies niya, “Ang most favorite Nora Aunor movies ko po ay Tatlong Taong Walang Diyos, Himala, Ina Ka Ng Anak Mo, Naglalayag, Bona, Minsa’y Isang Gamu-Gamo, Beloved, Condemned, Bilangin Ang Bituin, Merika… actually ay marami pa po,” nakangiting sambit pa ni Gari.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …