Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Esel Mae Pabillaran Sarah Geronimo

Bb. Pilipinas finalist Esel Mae Pabillaran, idol si Sarah Geronimo

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SWAK sa showbiz ang beauty at kaseksihan ng kinatawan ng Misamis Oriental sa 59th Edition ng Bb. Pilipinas na si Esel Mae P. Pabillaran.

Actually, siya’y nakalabas na sa mga TV shows tulad ng Magpakailanman, second lead role with Rita Daniela sa Pamilya Covid story ng Layug Family, bilang asawa ni Kelvin Miranda sa Karma Ng Ama na story, at co-worker ni Rita Daniela sa Special Tatay. Naging talent din siya sa mga ABS-CBN shows like Wansapanataym at Kadenang Ginto. Sumabak din si Esel Mae sa commercials tulad ng CIMB Bank at Rebisco, kasama si Joshua Garcia.

Idol ni Esel Mae sina Sarah Geronimo at James Reid. “Si Sarah idol ko na po siya since pagsali niya ng Star For A Night noong 2003. Maliban po kasi sa magaling siyang singer at aktres, jumbaga total package si Sarah G. Magaling din kasing sumayaw. Ang bait pa niya at yung values niya talaga as a person, totoo yung humility niya at pagkafamily-oriented. Kahit buong pamilya ko, siya talaga yung lagi ine-example sa akin to stay grounded and to always have fear in God.

“Si James naman, magaling kasing singer at versatile din sa acting. Dati rin sa PBB niya ay napapanood ko siya, ganda pa ng Australian accent niya, hahaha!”

Maging isang aktres ang pangarap niya noong bata pa lang siya at hindi maging beauty queen.

Anang dalaga, “Not really, I wanted to become an actress. I started joining pageant when my teacher encouraged me to represent our class and as the top 1 in school that time, I didn’t want to fail them. Since then, as I continue my journey in pageantry, I have seen the horizon of hope pageant brings beyond the glam and glitz. That is when my love for pageants grew more.”

Dagdag pa Esel Mae, “I am doing this not because I want to prove something, but because this is a platform to speak for the unheard voice and putting into actions our advocacies.”

Si Esel Mae ay 26 years old at ang vital statistics niya ay 32-23-32. Siya ay beauty and brains, na nagtapos ng BS Psychology bilang Cum Laude sa Mindanao State University-Iligan Institute of Technology.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …