Saturday , August 9 2025
Liza Diño FDCP PeliKULAYa

50 locals at int’l film ii-screen ng FDCP

MATABIL
ni John Fontanilla

MARAMI  ang  natuwa nang ma-extend pa ng another three years sa kanyang panunungkulan bilang Chairperson ng Film Development Council of the Philippines o FDCP si Liza Dino-Seguerra.

Well deserved naman si Chair Liza para sa nasabing posisyon sa sobrang sipag at grabeng pagmamahal nito sa pelikulang Filipino. At para na rin mas mabigyan pa ng kaukulang atensiyon  at mangyari ang mithiin nitong makilala at maka-penetrate sa buong mundo ang pelikulang Pinoy.

At sa kanyang re-appointment ay tuloy-tuloy pa rin ang paggawa ng magagandang proyekto katulad ng  PeliKULAYa na  kasabay na rin ng Pride Party bilang bahagi ng LGBTQIA+ Film Festival mula June 10 hanggang 26. May temang  Pantay-Pantay, Iba’t Ibang Kulay.

Kasabay din ng 20th anniversary ng FDCP, “a total of 50 local and international films co-presented by partner embassies and organizations will be screened online and onsite as part of this year’s festival line-up,” ani Dino.

Ilan sa mga Pinoy movie  na tampok sa Pelikulaya 2022 ay ang Manila by Night (Ishmael Bernal), Ang Tatay Kong Nanay (Lino Brocka), EsoterikaMaynila (Elwood Perez), Markova: Comfort Gay (Gil Portes), at Big Night! (Jun Robles Lana), Gameboys The Movie (Ivan Andrew Payawal), Kasal (Joselito Altarejos), Billie and Emma (Samantha Lee), Memories of Forgetting (Joselito Altarejos), Traslacion (Will Fredo), at Pink Halo-halo (Joselito Altarejos).

Ang mga nabanggit na pelikula ay mapapanood sa FDCP Channel ng Spectra Pelicula segment, may face to face screening din sa FDCP Cinematheque Centres (Manila, Iloilo, Davao, Negros at Nabunturan), Metropolitan Theater, at Cinema ‘76-Anonas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Angelika Santiago

Angelika Santiago, super-happy na finally ay Sparkle artist na!

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYANG-MASAYA si Angelika Santiago dahil ngayon ay isa na siyang …

Hiro Magalona

Hiro Magalona inismiran, nasabihan pang salbahe 

MATABILni John Fontanilla SUPER effective ang portrayal ni Hiro Magalona dahil maraming nainis sa kanyang role bilang …

Mga Munting Tala Sinagtala Errol Ropero

Mga Munting Tala sa Sinagtala isinusulong kahalagahan ng edukasyon

MATABILni John Fontanilla MUST watch ang pelikulang Mga Munting Tala sa Sinagtala ni Direk Errol Ropero dahil bukod sa mahusay ang …

Cecille Bravo Ang Aking Mga Anak

Philantropist/businesswoman Cecille Bravo naiyak, kinabahan sa unang pag-arte 

ISA ang philantrophist at celebrity businesswoman na si Cecille Bravo sa cast ng advocacy film na Ang Aking  …

Andres Muhlach Ashtine Olviga

Andres kayang i give up ang lahat para sa love

MA at PAni Rommel Placente DAHIL ang launching movie ng magka-loveteam na sina Andres Muhlach at Ashtine Olviga ay …