Friday , September 5 2025
Masungi Geopark Project Quarrying

Quarrying ng Masungi, ipinakakansela kay PRRD

MULING nanawagan ang grupo ng katutubo kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tuluyan nang kanselahin ang quarrying agreements na napapaloob sa Upper Marikina River Basin Protected Landscape at Masungi Geopark Project bago siya bumaba sa puwesto sa 30 Hunyo 2022.

         Nanawagan ang mga katutubo kay Duterte dahil hindi kinansela bagkus ay sinuspende lamang ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Acting Secretary Jim O. Sampulna ang Mineral Production Sharing Agreement (MPSAs) ng sister quarry companies na Rapid City Realty and Development Corporation at Quarry Rock Group, gayondin ang sa Quimson Limestone Inc.

Ang tatlong kompanya ay mayroong mga MPSA na sumasaklaw sa higit 1,300 ektarya ng mga protektadong lugar at wildlife sanctuaries.

Pangamba ng katutubong Dumagat-Remontado sa Tanay, Rizal, maaaring tanggalin kahit anong oras ang  suspensiyon, kaya iginigiit nila ang kanselasyon ng mga MPSA.

Ayon sa batas, ang protektadong lugar at mga pambansang parke ay sarado sa pagmimina.

Paliwanag ng mga eksperto, pinoprotektahan ng watershed ang Metro Manila at ang lalawigan ng Rizal mula sa mapaminsalang pagbaha.

Ayon sa mga dalubhasa ng National Museum of the Philippines, ang malaking pakikialam sa lupa sa loob at paligid ng Masungi, tulad ng pagka-quarry, ay maaaring magkaroon ng malaking pinsala sa buhay, ari-arian, at ekonomiya.

“Kung matutuloy ang quarrying, maglalaho ang aming sagradong bundok dahil miminahin ang bato at papatagin ang bundok. Ang mga ilog at tubig ay matutuyot,” pangamba ng mga katutubo.

Noong Abril 2022, mahigit sa 30 eksperto kabilang sina Atty. Antonio Oposa, Jr., Edward Hagedorn, UST Science Dean Rey Papa, at Manila Observatory Head Fr. Jett Villarin ang naglabas ng open letter para sa pagkakansela ng mga MPSA.

Sinabi ng mga environmentalist, lubos na nakababahala dahil ang malawak na lugar ay kagubatan na pag-aari ng estado ng Filipinas at protektado ng iba’t ibang batas at panukala noong 1904, 1977, 1993, at 2011.

(ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Alan Peter Cayetano Ombudsman

Cayetano sa Ombudsman: Magsagawa ng lifestyle check sa mga opisyal ng gobyerno

Hinimok ni Senador Alan Peter Cayetano ang Office of the Ombudsman na magsagawa ng maagap …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Rapist na kabilang sa top most wanted sa Central Luzon, arestado

NAARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki na kabilang sa most wanted person sa Central …

FGO Logo

Gamit ang Carrot, Patatas at Camote
CLEANSING DIET UPANG MAPABILIS ANG PAGGALING NG MAY SAKIT

MALAKING bahagi ng wastong paggamot ang diet, o ang pagkain ng wastong uri ng pagkain …

Angeles Pampanga Police PNP

4 miyembro ng hold-up gang timbog sa checkpoint; baril, granada nakompiska

ARESTADO ang apat na kalalakihan na pinaghihinalaang miyembro ng hold-up gang sa isang checkpoint operation …

Motorcycle Hand

Nakaw na motorsiklo pinang-good time, suspek timbog

NADAKIP ang isang suspek sa pang-aagaw ng motorsiklo matapos mahuli sa aktong paggamit nito sa …