Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Shido Roxas

Shido Roxas, gustong gumawa ng mga challenging na projects sa AQ Prime

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MUKHANG magiging abala ang hunk actor na si Shido Roxas sa bakuran ng AQ Prime. Isa si Shido sa present sa magarbong lauching ng AQ Prime sa Conrad Hotel recently.

Matatandaang sa unang movie venture ng AQ Prime via A and Q Productions Films Incorporated sa pelikulang Nelia, tinampukan ito nina Winwyn Marquez, Raymond Bagatsing, Mon Confiado, Ali Forbes, at Shido.

Ngayon naman, ang buwena-manong project niya rito ay ang pelikulang Anatomiya na tinatampukan din nina Teejay Marquez, Emmanuelle Vera, Yana Fuentes, Cataleya Surio, at iba pa, mula sa pamamahala ni Direk Martin Mayuga.

Paano niya ide-describe ang kanilang movie, sexy-horror ba ito?

Esplika ni Shido, “Horror-thriller-sexy po siya na may kakaibang sangkap. Medyo naiba po ang storyline dahil kinailangan ko po umuwi agad at marami pa po sanang elements na idadagdag.

“Pero I met direk Martin Mayuga at AQ office last Sunday lang and magkakaroon po kami ng additional scenes.”

Aniya pa, “Iyong iba pong projects ko sa kanila ay ikakasa pa lang bilang nasabihan na rin ako ng ibang directors. Wala pa po akong idea kung anong projects ang mga ito dahil secret pa raw.”

Napag-alaman namin na parte rin si Shido sa pagbibidahang action movie ni Max Collins sa AQ Prime. Ito’y may working title na Nun Assassin at si Aljur Abrenica ang magiging leading man dito ng aktres.

Ayon pa kay Shido, may request siya na mabigyan ng mga kakaiba at challenging na roles.

“As much as possible, I’d like to stay out of conventional and stereotypical roles like boyfriend, businessman… Rather, I wanna do roles that are far from my perceived persona, tulad po ng pagiging bad guy, impoverished, vulgar, gay,” sambit pa ng aktor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …