Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharon Cuneta

Sharon manahimik muna, magtanim at mag-alaga ng hayop

HATAWAN
ni Ed de Leon

KUNG kami ang tatanungin, ang pinakamagandang damage control na magagawa ni Sharon Cuneta sa ngayon ay mag-lie low muna.

Hindi maganda ang naging pagsalubong sa kanya ng publiko nang humingi siya ng respeto at pang-unawa sa kanyang social media account. Ang sinasabi ng marami ay bakit siya humihingi ngayon ng respeto at pang-unawa na hindi niya naituro sa kanyang anak na hindi rin naman nagpakita ng respeto sa desisyon ng mayorya?

Iyan ang masakit basta “olat” ka. Lahat ng negative ay sasaluhin mo kaya ang pinaka maganda ay manahimik na muna at pabayaang humupa ang emosyon ng mas nakararami. Hindi mo masasabing tama ka eh, dahil tama ka man o mali, iibabaw ang sinasabi ng mayorya. Iyan ang

demokrasya eh.

Siguro dapat sundin na rin muna niya ang asawa niya sa ngayon. Magtanim muna ng gulay at mag-alaga ng hayop sa farm para makatulong pa sa bayan. Kung magpipilit siya sa diskusyon, talo lang siya at mas lalong babagsak ang kanyang chances na makabawi sa kanyang career. Naging “nega” eh.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …