ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
ISA si Jennifer de Asis sa mga naggagandahang dilag na susubukan ang kanilang kapalaran sa gaganaping Miss Philippines Earth 2022, na ang coronation night ay magaganap sometime in July.
Si Jennifer na kinatawan ng Mandaluyong City ay isa sa 41 beauties na magpapamalas ng talento at ganda sa naturang beauty pageant.
Swak na swak hindi lang ang kanyang kagandahan at kaseksihan para rito, kundi ang magandang adhikain ng dalaga hinggil sa maraming ecological concerns, para makuha ang atensiyon ng lahat, lalo na ang mga kabataan sa kahalagahan ng pangangalaga kay Mother Earth.
Narito ang advocacy niya bilang kandidata sa Miss Philippines Earth:
“We should not disregard the fact that Philippines, our country, is blessed with rich natural resources where renewable energies are abundant, mostly free, and available in unlimited quantities. By promoting the use of renewable energies such as solar, wind, and hydropower, we will be diminishing huge amount of factors which negatively affects the health of the earth, our home.”
Ayon pa kay Jennifer, ang pagsali niya sa Miss Philippines Earth 2022 ay isang once in a lifetime opportunity na gusto niyang gawing isang cause o dahilan para makinabang ang mas nakararami.