Monday , December 23 2024

Sa pagtatapos ng 150-araw election period
CENTRAL LUZON PNP ‘BACK TO NORMAL’ 

NAGTAPOS ang 150 araw na panahon ng eleksiyon ngunit nasa tuktok pa rin ng sitwasyon ang Police Regional Office 3 na nakasasaklaw sa pitong lalawigan at 14 siyudad sa Central Luzon.

Sa ulat mula kay PRO3 Regional Director P/BGen. Matthew Baccay, sa buong panahon ng kampanyahan sa rehiyon ay pangkalahatang naging mapayapa, maliban sa anim na insidente na may kaugnayan sa eleksiyon, ang naitala ng PRO3 at COMELEC na agad naresolba.

Dagdag ng opisyal, pawang mga insidente ng liquor ban at vote buying ang naiulat, pito katao ang nadakip sa pamimili ng boto sa Bataan at pito ang dinakip sa paglabag sa 48-hour liquor ban.

Sa pagkatatag ng 149 PNP-COMELEC checkpoints sa buong rehiyon, inaresto ang 30 indbidwal sa pagdadala ng mga kontabando samantala sa mahigpit na pagpapatupad ng gun ban, nagresulta ito sa pagkakakompiska ng 2,647 iba’t ibang klaseng baril at iba pang nakamamatay na armas, at pagkaaresto ng 400 suspek.

Kaugnay nito, nasakote ang 231 indibidwal sa panahon ng pagpapatupad ng search warrant, pagsisilbi ng warrants of arrest, buy bust operations, police response at iba pang operasyon kabilang ang Oplan Bakal, OP Sita, at OP Galugad.  

Sa maraming maagap na panukala tulad ng KASAMBAYANAN (Kapulisan, Simbahan at Pamayanan) at pagkatatag ng Media Action Center (MAC) ay nakatulong sa pangkalahatang tagumpay ng proseso ng halalan.

Sinabi ni Baccay, ang tagumpay ng national and local elections sa Central Luzon ay resulta ng sama-samang pagsisikap ng COMELEC, PNP at AFP sa pamamagitan ng Regional Joint Security Coordinating Council at iba pang kasosyong ahensiya na nagtrabaho upang matiyak ang kaligtasan at seguridad gayondin upang magarantiyahan ang malinis na daloy ng halalan.

Sa huli, ipinahayag ng opisyal na ang buong puwersa ng pulisya sa Central Luzon ay nagbabalik na sa pagsasagawa ng mga normal na pagpapatupad ng batas at pagtulong sa ipinaiiral na minimum public health safety protocols sa bansa. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …