Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa Bataan
P10-M YOSI NASAMSAM

NAREKOBER ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) – Port of Limay ang may P10-milyong halaga ng puslit na sigarilyo sa bayan ng Orion, sa lalawigan ng Bataan, nitong Lunes, 6 Hunyo.

Armado ng Letter of Authority (LOA) ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero, sinalakay ng BoC-Limay, Enforcement Security Services (ESS), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Philippine National Police (PNP) – Orion, at Philippine Coast Guard (PCG) – K9 Unit ang isang tindahan at resort sa bahagi ng Brgy. San Vicente, sa nabanggit na bayan.

Batay ang isinagawang operasyon sa nakuhang impormasyon ng pantalan ukol sa sinasabing kontrabando na ilegal na ibinebenta sa nasabing lugar.

Sa inspeksiyon ng mga awtoridad, tumambad ang 487 master cases ng puslit na sigarilyo kaya agad dinala ang mga kontrabando sa tanggapan ng ahensiya.

Iimbestigahan rin ang mga sangkot na personalidad at ihaharap sa batas para sa case build-up at posibleng pagsasampa ng kasong sa paglabag sa Section 1401 ng RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …