OPISYAL nang nanumpa si Arjo Atayde bilang Congressman-elect ng Quezon City District 1 (QCD1) sa ginanap na oathtaking ceremony sa Grotto ng Barangay PhilAm Homes sa pasilitasyon ni Barangay Captain Simplicio EJ Hermogenes. Dinaluhan ito ng pamilya, tagasuporta, at mga kaibigan ni Atayde at ng 19 kapitan ng barangay ng QCD1 na nagbigay ng suporta kay Atayde dala ang platapormang nakasentro sa LGBTQI+ and Women’s Rights; employment; education; senior citizens; disaster response; at healthcare. Binisita rin ni Atayde ang Kongreso upang tanggapin ang kanyang Congressional Pin mula kay Secretary General Mark Llandro Mendoza. Si Atayde ay pormal nang uupo sa Kongreso sa Hulyo 2022 kung saan magiging abala siya sa unang limang panukalang batas na kanyang iaakda. (ALMAR DANGUILAN)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …