Thursday , December 26 2024
USAPING BAYAN ni Nelson Flores

Takot sa sariling multo

USAPING BAYAN
Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

NANGANGAMBA umano si Senadora Risa Hontiveros dahil sa pagtatalaga ni President-elect Ferdinand Marcos, Jr., kay Vice President-elect Sara Duterte Carpio bilang susunod na kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon o Department of Education (DepEd).

Ayon sa impormasyon na nakalap ng inyong lingkod, ang pangamba ni Hontiveros ay batay sa kanyang paniniwala na babaguhin ni VP Duterte-Carpio bilang kalihim ng DepEd ang kurikulum ng kagawaran kaugnay sa ating kasaysayan, lalo pagdating sa mga usapin ng mga umano’y kasalanan ng pamilya Marcos sa bayan.

Bilang isang saradong anti-Marcos, natatakot si Hontiveros, ang kaisa-isang neoliberal o ‘pinklawan’ na nakalusot bilang senadora nitong nagdaang halalan, na magkakaroon ng pagbabago sa ating kasaysayan o historical revisionism.

Aniya, “ito ay magiging daan para tuluyang malinis ang pangalan ng pamilya Marcos at masira naman ang ‘magandang’ imahe ng mga neoliberal.

Sa biglang tingin, talagang nakaaalarma ang pangamba ni Hontiveros hanggang mapag-isip-isip natin na ganito pala kasi ang nangyari matapos ang “color revolution” sa EDSA noong 1986. Nagkaroon kasi agad ng historical revisionism pabor sa puwersa na namuno sa EDSA laban sa mga Marcos. Ang kaguluhang ito ng mga neoliberal ang naging dahilan para mapatalsik ang ngayo’y yumao nang dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., ama ni President-elect Ferdinand Marcos Jr.

               Matapos ang EDSA, napalitan agad ang mga pangalan ng maraming malalaking institusyon o lansangan na maaring ikawing sa mga Marcos at marami sa mga proyekto ng pamosong pamilya ang ipinatigil. Halimbawa ang Ospital ng Bagong Lipunan ay biglang naging East Avenue Medical Center, ang Don Mariano Marcos Avenue ay naging Commonwealth Avenue, naglaho ang kadiwa, BLISS, Love Bus, Metro Manila Transit Corporation, naging pribado ang Petron, nawala ang mga libreng bakuna at nutriban, nabasura ang Bataan Nuclear Power Plant, nawala ang mga Metro Aide, scouting o YDT; CAT, ROTC etc….

Bukod dito ay diniinan sa mga aklat at babasahin sa mga paaralan ang mga karumal-dumal na ginawa ng mga Marcoses sa bayan samantala ‘yung magaganda nilang nagawa ay naglaho sa mga pahina ng ating mga aklat pangkasaysayang at iba pang kaugnay na babasahin. Pinatotohanan ng mga neoliberal o ‘pinklawan’ ang Ingles na kasabihan na “history is written by the victors” na ang ibig sabihin ay “ang mga nagtagumpay o nagwagi ang umuukit ng tala ng kasaysayan.”

Pansinin na sa loob ng mahigit na tatlong dekada mula 1986 ay pilit na dinurog ng mga color revolutionist (pinklawan) o neoliberal, sa tulong ng mga kaibigan nila mula sa mga elitistang media entities, ang mga naiwan o legacy ng mga Marcos. Inukilkil ng mga neoliberal sa ating isipan na walang nagawang mabuti ang Marcoses sa ating bayan. Kung hindi historical revisionism. hindi ko na alam ang tawag diyan.

Natatakot si Hontiveros sa sariling multo. Dahil inumpisahan ng kanyang mga kapwa neoliberal o kakampink ang historical revisionism noon ay ayaw nilang gawin ito sa kanila ngayon. Gusto nilang manatili ang kanilang “magandang legacy” halimbawa ay ang wokenism (na sa totoo lang ay puno ng kalaswaan, kahalayan, at kawalang modo sa ating nakagisnan ang ibinabandera) pero ibig nilang limutin ng bayan ang mga nagawang mabuti ng mga Marcoses.

Tama ang Panginoon na ‘yung mga hipokrito napapansin ‘yung muta ng kanyang kasama pero ‘yung mamad sa sariling mata ay hindi nakikita (Mateo 7:3-5) (Lukas 6:41-42).

* * *

Binabati ko si Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos, Sr., sa pagkakahalal niya bilang alkalde ng lungsod at ang kanyang mahusay na anak, Benhur Abalos, sa pagkakatalaga bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Binabati ko rin ang aking Fraternal Brother na si Iking Gutierrez sa pagkakahalal niyang muli bilang bukal ng Lalawigan ng Zambales.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …