Monday , December 23 2024
Arrest Posas Handcuff

Miyembro ng crime group
MWP SA N. ECIJA TIKLO SA MANHUNT CHARLIE

ARESTADO ang isa sa mga nakatalang most wanted persons sa Nueva Ecija sa inilatag na manhunt operations ng pulisya laban sa mga krminal na nagtatago sa lalawigan, nitong Lunes ng umaga, 6 Hunyo.

Sa ulat mula kay P/Col. Jess Mendez, acting provincial director ng Nueva Ecija PPO, nagsagawa ang magkasanib na mga elemento ng  Talavera MPS, 1st at 2nd PMFC, 303rd MC RMFB3, CIDG PFU, at PIU ng Manhunt Charlie Operation sa Brgy. Pag-asa, sa bayan ng Talavera, dakong 11:30 am kamakalawa.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto sa suspek na kinilalang si Nelson Dela Cruz, 35 anyos, residente sa Brgy. Caputican, sa nabanggit na bayan, at nakatala bilang Top 5 MWP sa municipal level ng Talavera at Top 10 MWP sa provincial level ng Nueva Ecija.

Nabatid, ang akusado ay miyembro ng notoryus na Dela Cruz Crime Group na dinakip sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Robbery at kasalukuyang nasa kustodiya ng Talavera MPS habang inihahanda ang kaukulang disposisyon. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …