Friday , November 15 2024
Stab saksak dead

Hinarang, binurdahan ng saksak
KELOT PATAY SA MGA SIGANG SENGLOT

HINDI umabot nang buhay sa ospital ang isang lalaking sakay ng motorsiklo matapos siyang harangin at pagsasaksakin ng mga nakaalitan sa kalsada sa bayan ng Sta. Rosa, lalawigan ng Nueva Ecija.

Sa ulat mula sa Sta. Rosa MPS, kinilala ang biktimang si Darius Nepomuceno, 24 anyos, agad binawian ng buhay dahil sa mga tama ng saksak sa kaniyang katawan.

Ayon sa kaanak ng biktima, sakay ng motorsiklo si Nepomuceno para maghatid ng kaibigan nang harangin sila ng dalawang suspek na nakasakay sa isang tricycle sa Brgy. La Fuerte.

Lumilitaw na bago ang krimen ay may nakatinginan nang masama sa daan ang biktima na maaaring ikinagalit ng isa sa mga suspek kaya sila inabangan.

Sa pag-iimbestiga ni P/Cpl. Jerry Oria ng Sta. Rosa MPS, nabatid na parehong nakainom ang grupo ng biktima at grupo ng suspek na sinabing siga-siga sa daan hanggang nagkayabangan.

Pagbalik ng grupo ng biktima, inabangan sila ng grupo ng mga suspek at doon nangyari ang pananaksak na ikinamatay ni Nepomuceno at ikinasugat ng isa niyang kasama.

Agad naaresto ang isa sa mga suspek habang hinahanap ang isa pang tumakas na kasama. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …