Monday , December 23 2024
Mic Singing

Misis nakuryente sa mikropono ng videoke, patay

SA halip na kasiyahan ay kamatayan ang sinapit ng isang ginang matapos makuryente sa mikropono ng videoke habang siya ay kumakanta sa bayan ng Casiguran, lalawigan ng Aurora nitong Linggo, 5 Hunyo.

Sa ulat ng Casiguran MPS, kinilala ang biktimang si Mary Jane Macahipay, residente ng Brgy. 1 Poblacion, sa nabanggit na bayan.

Ayon sa salaysay ng asawa ng biktimang si Matt Macahipay, habang sila ay nagkakantahan sa videoke ay nauna na siyang nabiktima ng grounded na mikropono ngunit masuwerte siyang nakaligtas dahil nahila agad ito ng kanyang ina.

Nang dumating ang kanyang asawang si Mary Jane, sa kagustuhan na siya naman ang kumanta ay hinawakan din niya ang mikropono ngunit bigla na siyang nanigas at napasubsob.

Agad isinugod ng mga kamag-anak ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan ngunit idineklara nang dead on arrival ng mga manggagamot.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente at inaalam kung kakasuhan ng pamilya ang may-ari ng videoke na naging sanhi ng kamatayan ng biktima. (Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …