Monday , December 23 2024
drugs pot session arrest

Mangingisdang drug user tinutugaygayan 5 huli sa pot session

PATULOY na minamanmanan ng pulisya ang kilos ng ilang mangingisda sa lalawigan ng Bulacan matapos maaresto ang lima sa kanila habang nasa kasagsagan ang pot session sa bayan ng Hagonoy, nitong Linggo, 5 Hunyo.

Sa ulat mula kay P/Col. Cabradilla, acting Bulacan PPO director, kinilala ang mga naarestong sina John Emmanuel Dela Cruz, Romualdo De Leon, Eduardo Baltazar, Randy Espiritu, at Manuel Dela Cruz, pawang mangingisda at mga residente ng Brgy. Mercado, sa nabanggit na bayan.

Ayon kay P/Maj. Neil Cruzado, acting chief of police ng Hagonoy MPS, unang nagbenta si Dela Cruz ng shabu sa isang nakatransaksiyon na police poseur buyer sa halagang P500 sa kaniyang bahay.

Nang magpositibo, agad nagkasa ng operasyon ang mga operatiba sa bahay ni Dela Cruz kung saan nahuli nila sa akto ang mga suspek habang nasa kasagsagan ang pot session.   

Dito napag-alaman na ang bahay ni Dela Cruz ay ginagawang drug den at dito muna bumabatak ng shabu ang mga mangingisda bago pumalaot sa dagat.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang dalawang pakete ng plastic ng hinihinalang shabu na may timbang na 26.1 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P177,448; mga paraphernalia; at buybust money.

Nakapiit na sa Hagonoy MPS Jail ang mga suspek na pawang nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs of 2002. (Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …