Monday , December 23 2024
gun shot

Ayaw mabitin sa inuman
LASENGGO TIMBOG SA PANUNUTOK NG BARIL

KALABOSO ang inabot ng isang lalaki matapos tutukan ng baril ang kapatid ng kanyang kainuman sa bayan ng Cuyapo, lalawigan ng Nueva Ecija.

Sa ulat mula sa Cuyapo MPS, kinilala ang arestadong suspek na si Rick Flores.

Nabatid na nakikipag-inuman si Flores sa isang kaibigan nang dumating ang kapatid ng huli upang sumundo.

Dito nagalit ang suspek dahil kapag umalis ang kaibigan ay wala na siyang kainuman at mabibitin siya umano sa pagtagay ng alak.

Ngunit nagpumilit ang kapatid ng kanyang kainuman, bagay na lalong ikinagalit ng suspek kasunod ng pagbunot ng baril at itinutok sa biktima.

Sa takot ay nagmamadaling umalis ang biktima na agad dumeretso sa himpilan ng Cuyapo MPS at nagreklamo.

Hindi na nakapanlaban ang suspek nang arestohin ng mga pulis at susuray-suray na ikinulong sa Cuyapo MPS Jail.

Nahaharap ang suspek sa patong-patong na kasong Grave Threat, Illegal Possession of Firearms (RA 10591) at paglabag sa Comelec Omnibus Election Code o BP 881. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …