Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Janine Gutierrez Paulo Avelino

Janine napaiyak sa Ngayon Kaya mediacon: Gusto ko lang, when I settle down kami na forever

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI napigilan ni Janine Gutierrez na maiyak sa open forum pagkatapos ng private screening ng pelikula nila ni Paulo Avelino, ang Ngayon Kayanang matanong kung ano ang hiling nila sa ngayon.

Ang Ngayon Kaya na idinirehe ni Prime Cruz at mapapanood na sa mga sinehan sa June 22 ay ukol sa magkaibigang nagkalapit dahil sa hilig sa musika pero hindi nagkaroon ng pagkakataong masabi ang tunay na nararamdaman sa isa’t isa. Paniwala kasi ng babae nakadepende sa universe ang mangyayari sa kanila.

Bale ang Ngayon Kaya ang unang Pinoy movie na ipalalabas sa sinehan kaya naman excited ang dalawa at ipinagmamalaki nila ito dahil sa totoo lang, maganda at maayos ang pelikula.

Muling ipinakita rito Paulo kung gaano siya kahusay na aktor gayundin si Janine (AM) na mahusay sa pagtatago ng tunay na nararamdaman kay Harold (Paulo). Paborito naming eksena iyong kinailangan na talagang umalis ni Harold na tinawagan siya ni AM. Ramdam namin ang bigat nang pag-alis nito na nasa airport na nang mga oras na iyon at talaga namang napahagulgol siya.

Tiyak na  maraming makare-relate lalo sa pelikulang ito lalo ‘yung mga hindi masabi-sabi sa taong mahal nila ang tunay na nararamdaman.

Sa Q& A, napaiyak nga si Janine nang matanong kung ano ang hiling nila ni Paulo sa ngayon. Aniya, ang tanging dasal niya sakaling mag-aasawa siya, pang-forever na.

Gusto ko lang na eventually, when I settle down, na kami na forever. Kasi, in my family halos lahat yata na…’yung couples, like my parents, everyone, naghiwalay.

“So, ako, nalulungkot ako. Ako, if I… when I get married, sana forever na,” ang naluluhang sabi ng dalaga.

Sinagot naman ito ni Paulo ng, “Noted!” kaya natawa ang dalaga gayundin ng entertainment press na dumalo sa screening/media conference.

Bago ito’y nausisa sina Janine at Paulo sa tunay na estado ng kanilang relasyon pero hindi pa rin napaamin ang dalawa bagama’t kita sa kanilang kilos at reaksiyon na may namamagitan sa kanila. 

Anyway, maganda ang pelikula at hindi mabibigo ang fans ng dalawa na makakita ng kilig moment na dapat nilang pakaabangan sa pagtatapos ng pelikula. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …