PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga
MASAYANG-MASAYA ang Beautederm CEO and President na si Rhea Anicoche Tan na muli niyang nakakasama ang kanyang celebrity ambassadors para magbigay kasiyahan sa Beautederm store openings at mall shows.
Muli ngang umarangkada sa face-to-face hosting at performances ang Beautederm ambassadors simula nang luwagan ang health restrictions sa public places kasama na nga ang mga mall.
Katulad nang magbukas ang bagong Beautederm store sa SM Baguio, nagpasaya ang ambassador na sina Darren Espanto at Ria Atayde sa ginanap na mall show noong May 28.
Susundan naman ito ng grand opening ng latest physical store ng Beautederm sa SM City Bacoor. Magkakaroon ng meet-and-greet kasama ang Beautederm ambassadors na sina Enchong Dee, Cassy Legaspi, Jelai Andres, Ryle Santiago, Kakai Bautista, at DJ Jhai Ho at gaganapin sa Event Center sa Sabado, June 4.
Sa kanyang Facebook post nagpasalamat si Ms. Rhea sa mga nakisaya sa kanila sa SM Baguio at nag-anyaya para sa susunod na Beautederm store opening at mall show sa SM City Bacoor.
Ayon sa FB post ni Ms. Rhea, “Maraming salamat sa pagmamahal Baguio! Up next! Grand Opening of our new store! Beautederm SM Bacoor Cavite! Kitakits tayo sa Sabado, June 4, 3pm event center”
Sa isa pang FB post, ibinahagi rin ni Ms. Rhea ang excitement niya sa susunod na store opening at mall show sa SM City Bacoor. “Ahhhhh kakamissss to!! We aree soo back!! Halinat makisaya!!
Super low prices! A lot of surprises for you Beautés! Plus! Bonding with your fave brand Ambassadors! Kitakits!!!”