Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sahil Khan

Bagong alaga ni Jojo Veloso, taga-Afghanistan

HARD TALK
ni Pilar Mateo

AFGHANISTAN! Kapag narinig mo ang salita o bansang ito, ang papasok agad sa isip mo eh, giyera.

Riyan ang bansang pinagmulan ng isa sa mga bagong alaga ng discoverer and talent manager na si Jojo Veloso.

Sa screening ng Pusoy ng Vivamax, ipinakilala sa amin ni Mudrakels si Sahil Khan.

Pinay ang ina ni Sahil. Pero dinala siya ng ama sa Afghanistan nang maghiwalay ang mga ito at doon na siya nagpatuloy ng kanyang pag-aaral.

Hindi naman ipinagkaila sa kanya ng ama ang tungkol sa kanyang ina. Kaya sa isip daw ni Kahil, gusto pa rin niya itong balikan at makita sa Pilipinas.

Kaya kahit wala namang susulingan, pikit-mata itong pumunta ng Pilipinas noong 2003 at bumalik sa Olongapo. Dahil kapos lang sa bitbit niyang pera, naranasan tuloy nito ang matulog sa kalye. Pero dahil sa pagpupursige, nanilbihan sa ilang bars sa Olongapo si Sahil.

Buti na lang, nakita pa rin niya sa patuloy na pagtatanong ang isang kakilala ng kanyang ina at doon siya pansamantalang nanahan. 

Nagkita sila. Ini-request niya na ito muna ang katagpuin at huwag isama ang pamilya ng kanyang ina.

Hanggang sa may common friend sila ni Jojo na nagpakilala sa kanila. At ngayon, artista na si Sahil.

Dahil pinangarap pala niya na mag-artista. Ayaw daw niya maging sundalo na gaya ng kanyang ama sa Afghanistan.

Sumusuporta nga ang kanyang ama sa dream ni Kahil sa pinuntahan nito sa mundo niya sa showbiz.

“I was part of Direk Jason Paul Laxamana’s ‘Expensive Candy’  (with Carlo Aquino and Julia Barretro). I also did a short film called ‘My Dreamboy.’”

Ngayon, isa na ring successful businessman si Sahil sa Angeles, Pampanga. Nakapag-ipon na mula  sa mga pamamasukan niya.

Nagsu-shoot na siya sa Ang Babaeng Nawawala sa Sarili ni direk Roman Perez, Jr. At makakasama rin siya sa Sitio Diablo.

Very humble at friendly si Sahil. At kahit nga sa paputol-putol na pananalita nito ng Ingles at manaka-nakang pananagalog, makikita mo at mararamdaman ang marubdob na paghahayag nito ng kanyang saloobin.

Ilan lang ‘yun sa mga nagustuhan din ni Mudrakels Jojo sa kanya. Masipag. Professional.

What else is his wish?

“That one day, I would also be able to produce an important film. A Filipino film. I want my country to be proud of me, too.”

Or maybe a film about Afghanistan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …