Saturday , March 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
harassed hold hand rape

Single mom, ginahasa, pinatay sa bigti ng dyowa

NATAGPUANG wala nang buhay ang isang babaeng napag-alamang solo parent, pinaniniwalaang ginahasa at binigti sa loob ng kanyang sariling tahanan sa bayan ng San Miguel, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 29 Mayo.

Sa ulat mula sa San Miguel MPS, kinilala ang biktimang si Regine Sebastian, 30 anyos, isang negosyante.

Nakita nag biktima noong Linggo ng tanghali na tadtad ng pasa sa katawan, may nakapulupot na kable ng cellphone charger sa leeg, at nakasuot ng damit ngunit wala nang saplot sa pang-ibabang bahagi ng katawan.

Saksi sa insidente ang 10-anyos anak ng biktima na higit na pinatibay ng mga kuha sa CCTV.

Nakita sa mga kuha sa CCTV ang suspek na si alyas Pipoy, dating karelasyon ni Regine, na huling pumasok at huling lumabas sa bahay ng biktima.

Agad dinakip ng mga tauhan ng San Miguel MPS ang suspek na pinabulaanang siya ang may kagagawan ng krimen. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Arellano NCAA cheerleading

Arellano, wagi sa ika-7 sunod na titulo sa NCAA cheerleading

PATULOY ang paghahari ng Arellano University sa NCAA cheerleading competition matapos nitong masungkit ang ika-pitong …

Spikers Turf Voleyball

King Crunchers Target back-to-back win, Spin Doctors gustong makabawi

Mga Laro sa Biyernes 1 n.h. – VNS vs AEP-Cabstars 3 n.h. – 3B vs …

P6.8-B shabu Speed boat Paluan Occidental Mindoro

Sa abandonadong bangka
P6.8-B shabu natagpuan ng mga sundalo

NADISKUBRE ng tropang militar ang P6.8-bilyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang abandonadong speedboat sa …

Arrest Shabu

P142.8-M ‘obats’ nasabat; 2 tulak timbog sa buybust

NASAMSAM ang hindi bababa sa P142,800,000 halaga ng hinihinalang shabu, habang nadakip ang dalawang pinanininiwalang …

NBI NMIS

Sa isang ‘planta’ sa Makati  
KARNE NG ASO FOR SALE ONLINE, 5 VIETNAMESE  ARESTADO

NASAKOTE ang limang Vietnamese nationals na pinaniniwalaang sangkot sa bentahan online ng processed dog meat …