Sunday , May 11 2025
Ryan Garcia Javier Fortuna

Ryan Garcia vs Javier Fortuna sa July 16

NAGKASUNDO  sina Ryan Garcia at Javier Fortuna na maghaharap sa ring sa July 16 fight sa  Crypto.com Arena sa Los Angeles.

Ang nasabing balita ay ipinahatid ng DAZN sa ESPN.

Sina Garcia at Fortuna ay una sanang maghaharap nung July nang nakaraaang taon, pero umatras si Garcia dahil sa problema sa mental health.   Inilinya rin ang star boxer para labanan si Joseph Diaz Jr. nung November 2021 pero napilitang magwidro dahil nagkaroon siya ng ‘wrist injury’ na kinailangan ng operasyon.

Ang 23-year-old na si Garcia ay nagmula sa Southern California at pinal na nagbalik sa ring nung  Abril at nanalo siya via unanimous decision laban kay Emmanuel Tagoe, at naroon siya sa ringside noong Linggo sa Brooklyn sa naging panalo ni Gervonta Davis laban kay Rolando Romero via 6th round KO.  Dito niya ipinarating ang paghahamon niya kay Davis.

“Let me handle business July 16th, I’m going to get Tank,” sabi ni Garcia (22-0, 18 KOs) nung Linggo sa kanyang Tweet.. “He was screaming the whole fight ‘I’m next,’ so let it be. December, let’s get it.”

Inaasahan na magiging madali para kay Garcia na idispatsa si Fortuna na rated No. 10 lightweight sa ESPN at tinatayang isang second world-class na fighter para magkaroon ng realisasyon ang ikakasang laban nila ni Davis.

“Ryan Garcia should take this fight very seriously and train properly because he will be facing, by far, the best fighter of his career,” pahayag ni Fortuna.

“Hopefully on fight night, there will be no excuses for his loss. … I have too much of everything for Ryan Garcia. His [win over Campbell] showed how easy he is to hit. And his power won’t mean anything to me. But mine will put him to sleep.”

About hataw tabloid

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …