SINABI ni Rolando ‘Rolly’ Romero (14-1, 12 KOs) na hihirit siya ng rematch kay WBA lightweight champion Gervonta ‘Tank’ Davis pagkaraang matalo siya via sixth-round knockout nung nakaraang linggo ng gabi sa Barclays Center sa Brooklyn, New York.
Humihingi ng part 2 ng laban si Romero dahil lamang na lamang siya sa bakbakan sa naunang five rounds bago dumating ang isang kaliwa sa 6th round na tumapos ng laban. At isa pang inaangal niya ay nang bumangon siya para ipagpatuloy ang laban ay sumenyas si referee David Fields na dapat nang itigil ang laban dahil obvious na nangangalog pa ang kanyang tuhod.
Base sa lumalabas na pahayag ni Tank sa social media, wala siyang balak na bigyan ng rematch si Rolly dahil may sinisipat itong malaking laban.
Sa post fight interview, sinabi ni Rolly na kanya ang naunang limang rounds pero nagawang makalusot ang kaliwa ni Tank sa 6th round na tumapos ng laban. Sinabi niyang tsamba lang ang suntok na iyon ni Davis.
“I knew he was strong after the first punch that he threw,” sabi ni Tank Davis sa post-fight press conference tungkol kay Rolly.
Pahayag pa ni Tank na nagkaroon siya ng problema na makawala sa kasagsagan ng laban dahil sa patuloy na atake ni Rolly. Pero nang magkaroon ng pagkakataon ay pinawalan niya ang pamatay na suntok.
“I got caught with a good shot, that’s all,” sabi ni Rolly sa post-fight press conference. “I won’t jump into a shot like that again. I had him running like a b**** the entire fight.
“Like I said, he got a nice shot in, that’s all that happened. He got caught multiple times, he ran around, and was terrified of me, and I doubt he’ll do the rematch again,” pahayag ni Rolly na halatang desmayado sa pagtanggi ni Tank sa rematch.