HARD TALK
ni Pilar Mateo
SUCCESSFUL ang launching ng ARTalent Management ni Doc Art Cruzada sa Marah Dalciano Resort and Hotel sa Alfonso, Cavite. Ipinakilala niya ang mga bago pang ibibidang talents apart sa naunang si Yohan Castro.
Dumagdag ngayon sa roster of talents ni Doc Art sina Dene Gomez, Trinity Band, at ang agad na pinagkaguluhan ng press na si Nic Galano.
Nakausap ko naman si Nic na nagbahagi ng ilang mga bagay sa kanya.
“Nag-stay po ako sa Isabela province sa Ilagan City. Naggi-gig po ako sa mga resto bar, kumakanta sa mga wedding and birthdays. Naiimbitahan din po as singer sa mga town fiesta.
“Noong ako ay 19 years old, sumali po ako sa ‘Idol Ph’ season 1 at pinalad na pumasa sa audition. ‘Di man ako nakarating sa finals ay naging daan naman ito upang ako ay makilala sa province namin. Dumami ang invitations ko as singer and naging hanapbuhay ko na rin po ang aking regular gigs.
“Next to singing ay passion ko rin po ang dancing. Bago ang pandemic, noong ako ay nakatira pa sa Manila ay regular din po akong pumapasok sa G Force Dance School.
“Mahilig din po ako mag-busking dito sa Isabela, at sumali sa mga skateboard competition dito sa Pilipinas
“Ako rin po ay nag-aral sa Feati University ng dalawang taon bilang BA Communications Student. Ako po ay nag-aaral sa Aparri Bible Seminary ngayon.
“Ako po ay isang Livestreamer sa Bigo Live. ‘Yun po ang aking pinagkaabalahan noong pandemic at hanggang sa ngayon.”
Tinanong ko si Nic kung ano ba ang expectations niya ngayong may gigiya na sa kanyang karera.
“Naniniwala po ako na matutulungan nila ako sa pangarap kong maging singer/entertainer.
“Naniniwala po ako sa kakayahan ng management sa pag-handle ng kanilang artist in a productive way po. Na mag-grow po kami as artists, na ma-enhance kung ano man ang talent na mayroon kami at magkaroon po ako ng mga project and concerts sa Manila.”
Iba ang style ni Nic. Sa mga ipinarinig nitong piyesa, lalo lang niyang pina-in love ang press sa moves and grooves niya.
“Pop Rock Balad po madalas ang aking kinakanta medyo may pagka-variety po kasi ako sa pagkanta.
“Mahilig po ako pumunta sa mga music festival isa po sa mga hinahangaan ko ang bandang Kamikazee.
“Hinahangaan ko rin po si Moira dela Torre dahil hilig ko rin po ang pagkanta ng mga worship song at pagtugtog po ng gitara.”
Ngayon pa lang na press na ang natuwa sa kahusayan ni Nic sa kanyang performances, hindi malayong umalagwa ito very soon sa karerang pinapasok niya.
Pina-sampol na silang tatlo ng press. Impromptu singing. Among the three, siya ang umani ng pinakamalakas na palakpak. Pero siyempre, dahil iba-ibang genre naman silang tatlo, hindi pa rin pahuhuli sina Dene at Yohan.
Ilo-launch na sa kanyang first mini-concert si Yohan sa Music Box this coming June 23 and 30, mula sa direksiyon ni Obette Serrano. At doon din makikita ang prowess ng iba pang artists ng ARTalent Management supported by Queen Eva Salon!