Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angel Locsin Bangs

Pa-bangs ni Angel ‘pinuna’ ng netizens

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAY lumabas na picture si Angel Locsin, bago ang ayos. May bangs. Parang nag-make over. Pero may fans na nagsabing sa ayos daw ni Angel ay nagmukha siyang may edad. Aba eh hindi naman ninyo dapat hanapin na ngayon ang dating hitsura ni Angel, dahil natural naman iyong tumatanda ang tao, at kasabay niyon nagkaka-edad din ang hitsura.

Kami nga, gandang-ganda kay Angel noon sa panahong may ginawa silang pelikula ni Aga Muhlach. Ang tindi ng dating ng katawan noon ni Angel, at talagang akala mo nananaginip ka lamang sa kanyang mukha, pero ilang taon na rin naman ang nakaraan simula noon. Isa pa, medyo tumaba talaga si Angel dahil sa iniinom niyang gamot dahil sa naging problema niya noon sa kanyang spinal column na inoperahan pa sa Singapore. Iyon din namang mahigit na dalawang taon siyang walang labas, at hindi obligadong mag-maintain ng katawan, malaki ang epekto niyon. Sabihin mo mang nakapagbawas na siya ng timbang iba pa rin ang dating niyon.

Palagay namin ang magandang magagawa  na nga lang ni Angel ay mag-adjust na rin sa mga role na kanyang ginagawa. Bagama’t sayang dahil kung naalagaan lang nang husto ang hitsura niya, ito ang panahong magagawa pa niya ang roles na dati niyang ginagawa. Eh kasi nga naging involved naman siya sa civic work noong panahon ng pandemya, tapos nagkampanya pang katakot-takot, aba napakalaking stress iyan para sa kanya. Idagdag mo pa iyong disappointment sa pagkatalo ng kanyang ikinampanya, dagdag stress iyan at imposibleng hindi makita iyan sa mukha niya.

Pero ang paniwala namin, kailangan lang siguro nang kaunting pahinga, at unti-unting exercise dahil hindi naman niya puwedeng biglain iyon dahil sa naging problema nga niya sa spinal column, magbabalik pa rin ang dating porma ni Angel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …