I-FLEX
ni Jun Nardo
ANG saklap naman ng ginawa ng scammers sa pondong nililikom para sa hospital bills ng veteran actress na si Angie Ferro, huh.
Sa Facebook post ng creative writer na si Suzette Doctolero, gumawa sila ng isang donation drive para kay Angie. Nasa ICU si Ferro ng QuliMed sa San Jose del Monte, Bulacan.
Nakalikom ng P43K sa unang araw. Pero may scammer na nang-uto kaya natangay ang halos P5k sa nalikom na pondo. Mabuti na lang daw at naibigay na ang halagang P30K plus sa unang nalikom sa pamilya ni Angie.
Nagbibigay ng babala si Doctolero na na mag-ingat sa scammer na nagpapadala ng link at huwag isapubliko ang inyong gcash number.
Wala nang binanggit pa si Suzette kung ano ang sakit ni Angie na isa sa pelikulang ginawa ay ang Lola Igna.