RATED R
ni Rommel Gonzales
SINABI ng veteran actor na si Joey Marquez na engaged na ang anak niyang si Winwyn sa non-showbiz partner nito.
Sa media conference ng upcoming series na Bolera, sinabi ni Joey na ibinigay na niya sa dalawa ang kanyang basbas para magpakasal.
“Nag-propose na, nagpaalam sa akin. Expected ko naman ‘yun dahil childhood sweetheart niya, eh,” ani Joey.
Sinabi pa ng aktor na noon pa magkakilala sina Winwyn at nobyo nito, at mag-best friend din ang dalawa.
“Medyo natigil lang kasi nagkalayo sila ng propesyon, nagpribado ang isa, tapos nagkita ulit,” kuwento ni Joey.
Nang tanungin kung kailan ang kasal, sinabi ni Joey na gagawin ito ngayong taon.
Kamakailan lang ay isinilang ni Winwyn ang first baby nila ng kanyang nobyo na si Luna.