Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sheryl Cruz rams david kuya germs

Sheryl loyal sa ACTMS dahil kay Kuya Germs

RATED R
ni Rommel Gonzales

SAMPUNG taon na si Sheryl Cruz sa pangangalaga ng Artist Circle Talent Management Services ni Rams David.

Isa si Sheryl sa 16 na talents na binigyan ni Rams ng loyalty awards sa gabi ng kanilang anibersaryo. Kabilang dito sina Shyr Valdez, Chanda Romero, Odette Khan, Mosang, Mel Kimura, Dang Cruz, Ces Quesada, Jet Rai, Andrew Schimmer, Robert Correa, Marlon Mance, Rico Robles, Lorenz Martinez, Mike Magat, at Celia Rodriguez. 

Ani Sheryl, loyal siya sa Artist Circle dahil, “First of all, si Rams hindi na iba sa akin dahil mahal na mahal ‘yan ni Kuya Germs (German Moreno).

“‘Di ba si Tatay Germs kilala naman natin, na tinutukan ni Rams ‘yan mula ‘GMA Supershow’ na roon ko siya nakasama afer ‘That’s Entertainment.’

“Tapos noon nakita ko na parehas kami ng prinsipyo na kung paano magpalakad si Kuya Germs kahit paano nakikita ko ‘yun sa kanya.

“Na really wants what’s best for everyone in the group and he treats everyone like family so… he’s very caring, pati sila Ms. Tere, Ms. Cris, they all want what’s best for all their artists. 

“They really make sure na lahat kami may mga ginagawang mga proyekto and I’m just blessed dahil kahit paano from the time I started hanggang ngayon hindi naman ako nababakante. So, salamat sa Diyos at salamat kay Rams.”

Ang ilan pa sa mga artist ng Artist Circle ay sina Jelai Andres, Jopay Paguia at mister nitong dancer din na si Joshua Zamora, ang mga kapwa Sexbomb Dancers na sina Mia Pangyarihan, Mhyca Bautista, Cheche Tolentino, at Aira Bermudez, Mel Kimura, Krissy Achino, ang magkapatid na Mike at Carlos Agassi, Mico Aytona, BJ ‘Tolits’ Forbes, Inday Garutay, Kiks Ferrer, Christian Antolin, at Wilma Doesnt gayundin anak nitong si Asiana Doesnt at marami pang iba. Humigit-kumulang sa 70 ang mga talent na nasa pangangalaga ng Artist Circle.

Ginanap ang 10th anniversary celebration ng Artist Circle Talent Management Services nitong May 11 sa AQUILA Crystal Palace, Tagaytay Events Place na pag-aari ni Tei Endencia na isa rin sa mga artists na hawak ng Artists Circle na katuwang ni Rams ang mga kapatid niyang sina Tere at Cristina David.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …