Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ryza Cenon

Ryza natutulala sa pagiging ina

MA at PA
ni Rommel Placente

SA kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Ryza Cenon ang hirap ng pagiging first time mom. 

Aniya, may mga pagkakataon na napapatulala at napapaupo na lang siya dahil sa pagod at hirap na maging isang ina.

Post ni Ryza, “After mo magpakain, magpaligo, at saka patulog ng anak mo… may moment talaga na mapapaupo ka tapos matutulala ka na lang sa pagod then sabay hingang malalim then game na ulit.”

Kaya naman tinanong din niya ang mga kapwa mommy kung nakare-relate rin ba sila sa kanyang pinagdaraanan.

“Kung nakare-relate kayo isang mahigpit na yakap sa inyo mga mommies!!!” dagdag pa ni Ryza.

Umani naman ng iba’t ibang komento ang naturang post ng aktres at talaga namang napakarami ang mga naka-relate sa pakiramdam niya.

At least, naranasan ni Ryza ang maging isang ina, ‘di ba? ‘Yung iba, walang kapasidad na maging isang ina dahil mga baog. Masuwerte pa rin siya na naging isa siyang ganap na ina, na kumompleto sa kanyang pagiging isang babae.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …