Inihayag ng National Water Resources Board (NWRB) na posibleng tumaas ang antas ng tubig sa Angat Dam sa lalawigan ng Bulacan na nagsusuplay ng tubig sa buong Metro Manila.
Dahil ito sa patuloy na nararanasang La Niña phenomenon o ang patuloy na pagbuhos ng malalakas na ulan sa Metro Manila at ibang lugar sa bansa.
Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David, mas mataas pa sa normal water level ang inaasahan ngayong taon batay na rin sa abiso ng PAGASA.
Ayon kay David, kailangang naka-alerto ang lahat ng mga nangangasiwa ng dam at lokal na pamahalaan upang maging ligtas ang mga residenteng maaapektuhan ng pagbaha sanhi ng patuloy na pagbuhos ng ulan. (Micka Bautista)