Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Denise Esteban

Denise Esteban, maraming pasabog na eksena sa pelikulang Secrets

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IPINAHAYAG ni Denise Esteban na maraming pampainit ant nakakakilig na eksena ang mapapanood ng mga suki ng Vivamax sa kanilang pelikulang Secrets.

Pinamahalaan ng batikang direktor na si Direk Jose Javier Reyes, tinatampukan din ito nina Benz Sangalang, Janelle Tee, at Felix Roco. Simula na ang streaming nito sa June 10.

Panimula ni Denise, “Marami pong love scene rito, maraming pasabog po na maiinit na eksena, kaya abangan nila.”

Pareho bang may love scene siya kina Benz at Felix? Paano niya ide-describe ang lampungan nila ni Felix? “Marami po kaming maiinit na eksena ni Felix, kaya dapat na abangan nila ito,” matipid na tugod ni Denise.

Dagdag na esplika pa niya, “Wala po kami ni Benz, pero may scene na kinapa ko po ng paa ko ang kargada ni Benz, ilagay ko raw talaga dapat yung paa ko sa ibabaw ng harapan niya, kaya nakapa ko po talaga yung sa kanya, hahaha! Bale, nakapa po ng paa ko yung kargada ni Benz. Parang talong yung nakapa ko po, eh, hahahaha!”

Inihahandog ng Viva Films ang Secrets, isang pelikula ukol sa magkasintahan na nag-aakalang kilala na nila ang isa’t isa na streaming sa Vivamax simula June 10.

Gustong ayusin nina Janine (Janelle) at Christian (Benz ) ang mga problema nila sa kanilang relasyon. Kaya naman tumakas muna sila sa siyudad at magpupunta sa isang isolated beach house na pagmamay-ari ng kanilang kaibigan, at inaalagaan ng mag-asawang Rading at Elena. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman, may isa pang guest sa beach house-si Leo (Felix), ang pamangkin ni Elena na isang engineer sa Middle East at sandaling nagbabakasyon. Bumalik si Leo sa beach house upang makita ulit ang kanyang fuck buddy na si Felina (Denise), isang waitress sa isang resort. Sa umpisa pa lang ay hindi na gusto ni Janine si Leo, dahil may kutob ito na delikadong tao si Leo. Tuso at mapaglaro si Leo. Hinihikayat niya ang kahit na sino para sa sarili niyang kaligayahan. Ang hindi nila alam, unti-unti na silang nahuhulog sa patibong ni Leo.

Tutukan ang isang madilim na kuwento tungkol sa sexual experimentation at pagnanasa sa kanyang bagong pelikulang “Secrets.” Kaya humanda na sa deepest at darkest discoveries sa Secrets  sa June 10, sa Vivamax Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, Canada, the USA, the Middle East at Europe.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …